GMA Logo Boobay at Wilma Doesnt
What's on TV

Boobay at Wilma Doesnt, nagpasiklaban sa pagrampa

By Cherry Sun
Published June 4, 2020 1:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Flights cancelled, roads flooded as rare storm soaks UAE
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Boobay at Wilma Doesnt


Nakabihis ala-Marian Rivera si Boobay kaya hindi siya basta-basta magpapakabog sa isang super model tulad ni Wilma Doesnt! Balikan ang nakatuwang episode ng 'Celebrity Bluff.'

Hindi lang sa kaalaman nagpagalingan ang judges at celebrity players ngunit pati na rin sa pagrampa sa nakaraang episode ng Celebrity Bluff!

Nitong Sabado, May 30, muling napanood sina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.

Nakasama nila sa episode para maglaro ng 'Fact or Bluff' ang celebrity best friends na sina Pekto at John Feir, Nova Villa at Tessie Tomas, at Lucy Torres-Gomez at Wilma Doesnt

Sa parehong episode ay nakabihis ala-Marian Rivera si Boobay kaya nakipagsabayan ito sa pagrampa kay Wilma na isang super model. Sumabay rin sa paggiling at pagkembot sina Pekto, John, Tessie at Nova kasama ang belly dancers.

Sino naman kaya sa tatlong pares ang umabot sa jackpot round?

Panoorin:

Ang Celebrity Bluff ay mapapanood na tuwing Sabado pagkatapos ng Magpakailanman.