What's on TV

Boobay, dalawang beses sinabuyan ng tubig ni Cherie Gil

By Cherry Sun
Published November 24, 2020 4:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos rejects PH label as ‘ISIS training hotspot’
EXO Chen announces Manila concert in 2026
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

Cherie Gil throws water at Boobay


Hindi umubra ang pagiging copycat ni Boobay kay Cherie Gil! Balikan ang November 21 episode ng 'Celebrity Bluff' dito.

Hindi lang isa kundi dalawang beses nakatikim si Boobay mula kay Cherie Gil naging maging guest player ang huli sa Celebrity Bluff.

Cherie Gil throws water at Boobay

Nitong Sabado, November 21, muling napanood sina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.

Mga miyembro ng showbiz royalty families ang naki-“Fact or Bluff.” Teammates ang mag-tito na sina Boy 2 Quizon at Ronnie Quizon, ang mag-Tita na sina Cherie at Ryan Eigenmann, at ang magkapatid na sina Matet at Ian de Leon.

Sa pagpapakilala palang ay tila nanghahamon na si Boobay ng magpakilala siya bilang si Lavinia, kapangalan ng iconic character ni Cherie sa 1985 film na Bituing Walang Ninging.

Nag nagsimula na ang first round ay kinompronta rin ng komedyante ang kontrabida dahil hindi raw siya pinagkakatiwalaan nito sa kanyang mga sagot.

Hindi na rin pinalagpas ni Cherie ang pag-e-eksena ni Boobay at nilapitan itong may hawak na baso ng tubig.

“Sana, sana tama lang po ang sagot ko dahil kung hindi at ikaw 'yung tama, ang galing mong mag-bluff at tumingin sa aking mga mata kanina. So sana lang tama 'yung sagot namin ni Ryan dahil kung hindi, kasalanan mo,” pahayag ni Cherie bago sabuyan ng tubig ang celebrity bluffer.

Muling nanghamon si Boobay kaya't pinagbigyan siya ni Cherie.

Wika ng kontrabida, “I'd just be thrilled that you called yourself today Lavina but you're being a copycat.”

Panoorin ang buong video ng November 21 episode sa itaas.