What's on TV

Boobay, Divine at Ian Red, ang ultimate champions ng 'Laff, Camera, Action!'

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 13, 2020 4:19 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Wizards have rare showing on defense in win over Pacers
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News



Itinanghal na ‘Ultimate Champion’ ang Team B, grupo nina Boobay, Divine at Ian Red sa naganap na finale ng Kapuso improvisational game show na 'Laff, Camera, Action!'


Itinanghal na ‘Ultimate Champion’ ang Team B, grupo nina Boobay, Divine at Ian Red sa naganap na finale ng Kapuso improvisational game show na Laff, Camera, Action!

Nakaharap nina Boobay, Divine at Ian Red ang Team A na binubuo nina Tetay, Doktora Beki at Michelle O’Bombshell na kapwa nila Hall of Famers. Para sa Battle of the Champions, parehong eksena ang natanggap na hamon ng dalawang grupo. 

Ang eksena, “Isang lasing ang may hawak na weapon at naghuhuramentado ito sa gitna ng kalye tapos biglang dumating ang kinatatakutan niya para umawat. Dahil sa kahihiyan na ito, ayaw niyang ipakita na natatakot siya dito.”

Balikan ang nakakatawang version ng Team A:

 

Panoorin ang winning performance ng Team B:

 

Si Doktora Beki ay nakatanggap ng special award na pinamagatang "Bitter Ocampo" at kanyang iniuwi ang giant trophy. Si Ian Red naman ang nanalo bilang Best Perfomer at nakatanggap ng Php 20,000.00.

Sa huli ay kinilala sina Boobay, Divine at Ian Red bilang ultimate champions. Nanalo ang kanilang grupo ng Php 100,000.00.