
Magse-celebrate ng kanyang kaarawan si Boobay sa fresh episode ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) pero ang kanyang birthday wish ay para raw sa kanyang co-host na si Tekla.
Birthday special ni Boobay ang mapapanood sa TBATS ngayong Linggo, November 8. Pero kahit siya ang may kaarawan, inaalay niya ang kanyang hiling para kay Tekla.
Sambit niya sa kanyang co-host, “Ibibigay ko sa 'yo 'yung birthday wish ko ngayong birthday ko ah.”
Naging tugon naman ni Tekla, “Uy, ano ka ba. This is your moment.”
Gayunpaman, pinilit ni Boobay na para kay Tekla ang kanyang birthday wish.
Ano kaya ito? Panoorin ang video sa itaas at huwag palampasin ang TBATS ngayong Linggo pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!