
Masayang ipinagdiwang ni Boobay ang kanyang kaarawan sa The Boobay and Tekla Show nitong Linggo.
Nakasama niya sa special celebration na ito ang kanyang co-host na si Tekla at ang guest celebrities na sina Bubble Gang stars Buboy Villar, Cheska Fausto, Matt Lozano, at Kokoy De Santos, pati sina Meme Squad members Pepita Curtis, John Vic De Guzman, at Ian Red.
Ibinahagi ng Kapuso comedian sa nakaraang episode kung ano ang kanyang birthday wish.
“Ang wish ko, kasi okay naman itong buong taon, so ang wish ko is for my family na lang. Siyempre sa aking pinakamamahal na pamilya, na mas lalo pa kaming maging okay at sana gumaling na 'yung kapatid ko, for my sister,” aniya.
Matapos ito, mayroon ding wish si Tekla para sa kanyang co-host.
“Ang wish ko sa kanya, alam naman niya 'yan e, no matter what, good health parati. Kasi nandyan na sa'yo lahat, 'yung kaibigan, 'yung career, 'yung health lang talaga para more, more, more pa ang projects," sabi ni Tekla.
Bukod dito, nakatanggap ng birthday message si Boobay mula sa isang “mystery boylet.” Sino kaya ito? Alamin sa video sa ibaba.
Patuloy na subaybayan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:10 p.m., sa GMA at Kapuso Stream.
TINGNAN ANG KABOGERA OUTFITS NI BOOBAY SA GALLERY NA ITO.