GMA Logo Boobay
PHOTO COURTESY: Clare Cabudil
What's on TV

Boobay, ipinaliwanag ang kanyang kondisyon

By Dianne Mariano
Published February 26, 2026 12:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LPG, sumabog sa isang bahay sa Navotas; 6, sugatan
ZIPAIR to suspend daily Manila-Tokyo flights effective March 29
PBBM checks DSWD's mechanized production center in Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Boobay


Sa naganap na media conference ng 'TBATS On The Go!', ipinaliwanag ng Kapuso comedian na si Boobay ang kanyang health condition na absence seizure.

Malapit nang mapanood ang comedy duo na sina Boobay at Tekla sa TBATS On The Go!, na siguradong maghahatid ng nonstop tawanan at kulitan sa mga manonood.

Sa naganap na media conference ng TBATS On The Go! nitong Martes (February 24), thankful sina Boobay at Tekla sa walang-sawang suporta ng mga manonood sa kanilang programa.

"Super grateful kasi until now, 'di ba, talaga namang kahit saan kami mapunta, kahit anong gawin namin, kahit anong segments, kahit anong bago ang ginagawa natin, tuloy-tuloy ang suporta nila," ani Boobay.

Dagdag ni Tekla, "At saka 'yung walong taon, hindi biro 'yon, na gano'n hinold ng viewers. Sa walong taon, pambihira 'yon. Wala ka ng mahihiling, sobrang thankful."

Bukod dito, nagkuwento si Boobay tungkol sa kanyang kalusugan at ipinaliwanag ang kondisyon niyang absence seizure.

"Sa mga hindi pa nakakaalam, absence seizure po. Ito 'yung seizure para sa mga babies. Kung napapansin n'yo, may mga bata minsan biglang natutulala nang mga five to 10 seconds lang, 'yun 'yung nangyayari sa akin," pagbabahagi niya.

Labis din ang pasasalamat ni Boobay sa GMA Network dahil sa pagbibigay ng oportunidad sa kanya na patuloy na makapagpasaya ng mga manonood.

Aniya, "Thankful pa rin ako lalo na sa mga boss namin sa GMA for still giving me a chance."

Abangan ang TBATS On The Go! simula March 1, 10:05 p.m., sa GMA at Kapuso Stream, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Related content: Boobay at Tekla, thankful sa suporta ng viewers