
Makakatikim si Boobay ng sampal mula sa de-kalibreng kontrabida na si Cherie Gil nang maglaro ang huli sa Celebrity Bluff.
Mapapanood pa rin sina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show.
Maglalaro bilang guest celebrity players ang tatlong pares mula sa showbiz royalty families. Teammates ang mag-tito na sina Boy 2 Quizon at Ronnie Quizon, ang mag-Tita na sina Cherie at Ryan Eigenmann, at ang makapatid na sina Matet de Leon at Ian de Leon.
Hindi naman uubra ang pagtataray ni Boobay sa kanilang guests dahil matatawag siyang “second-rate trying hard copycat!” Kaabang-abang ang magiging tapatan nila ni Cherie!
Handa na ba kayong maki-“Fact or Bluff' kasama ang inyong mga paboritong artista?
Sabay-sabay tayong matawa at matuto! Tutok na sa Celebrity Bluff tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Daddy's Gurl.