GMA Logo Boobay
What's Hot

Boobay, may inihandang kakaibang performances para sa mga Pinoy abroad

By Maine Aquino
Published August 14, 2025 2:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Tropical Storm Ada as of 5:00 PM (Jan. 18, 2026)
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

Boobay


Isa si Boobay sa mga aabangan sa Sparkle World Tour 2025 na gaganapin sa Canada ngayong Agosto.

Excited na si Boobay na maging bahagi muli ng Sparkle World Tour 2025.

Isa si Boobay sa mga mapanood sa Sparkle World Tour na gaganapin na ngayong August 16 and 17 sa Toronto, Canada, in partnership with Taste of Manila. Sa August 29 to September 1 naman gaganapin ang Sparkle World Tour sa Eau Claire Park, Calgary, in partnership with Fiesta Filipino. Samantala, ang GMA Pinoy TV na nagse-celebrate ng 20th anniversary ay ang proud media partner ngayong 2025 Sparkle World Tour.

Makakasama ni Boobay sa Sparkle World Tour 2025 sina Ruru Madrid, Kyline Alcantara, Aiai Delas Alas, Jessica Villarubin, at Pepita Curtis para i-entertain ang global Pinoys sa Canada.

Si Boobay na naging bahagi rin noong 2024 ay muling babiyahe abroad para naman sa 2025 leg ng Sparkle World Tour. Ayon kay Boobay, nagpapasalamat siya sa tiwalang ibinibigay ng Sparkle at GMA Network.

"Siyempre sobrang grateful pa rin sa pagkakataon na pagkatiwalaan nila ako. Ibig sabihin naniniwala sila sa kung ano ang pwede kong i-share na talento at pagpapasaya sa mga minamahal na mga Kapuso na nasa ibang bansa, lalo na sa Canada."

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Inamin ni Boobay na may nararamdaman siyang pressure sa kaniyang muling pagsabak sa Sparkle World Tour. Saad ng Kapuso comedian, "May pressure kung ano pa ang pwede kong maibigay sa kanila. Si Lord ay nandiyan, at ang mga Kapuso na co-artist natin na alam namin na magtutulungan kami talaga. Hindi namin pababayaan ang isa't isa."

Dugtong pa ni Boobay na may inihanda silang exciting na performance para sa mga global Pinoys.

"Makakaasa ang mga Kapuso natin abroad ng kakaibang performances muli ang kanilang matutunghayan."

Bukod sa kanilang performance sa Sparkle World Tour 2025, inilahad din ni Boobay na may adjustments siya para sa pagpe-perform abroad.

"Maraming adjustments kapag nandoon ka sa ibang bansa. Minsan mayroon kang makakausap nandun na pala lumaki. So hindi pwede yung kung ano-anong joke lang gagawin mo. Minsan, you have to weight things kung ano'ng klaseng audience mayroon ka."

SAMANTALA, NARITO ANG MGA LARAWAN SA MEDIA CONFERENCE NG SPARKLE WORLD TOUR 2025: