What's Hot

Boobay, nakatikim ng virtual sampal mula kay Gladys Reyes

By Jimboy Napoles
Published October 12, 2021 5:10 PM PHT
Updated January 8, 2024 1:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Boobay and Gladys Reyes


Nakatikim ng virtual sampal si Boobay mula kay OG kontrabida na si Gladys Reyes sa Bawal Judgemental segment ng 'Eat Bulaga' kahapon, October 11.

Hindi pinalampas ni Kapuso host Boobay ang pagkakataon na masampal siya ng original soap opera kontrabida na si Gladys Reyes sa naging guest appearance nito sa Bawal Judgemental segment ng Eat Bulaga.

Sa ginawang eksena ng Dabarkads hosts, kunwaring magkaaway na magkapatid sina Gladys at Boobay pero ang kanilang mala- teleseryeng sagutan nauwi sa sampalan.

“Puwede ba umalis ka sa harapan ko, ayokong makita ang pagmumukha mo!” pagtataray ni Gladys.

“Hindi ako aalis dito dahil ako ang may karapatan sa pamamahay na ito!” sagot naman ni Boobay.

Pero hindi nagpatalo si Gladys “Ah ganun, halika dito.” sabi niya, sabay sampal sa screen na itinuloy naman ni Dabarkad Jose Manalo sa studio. Kaya ang virtual sampal ni Gladys, naramdaman pa rin ni Boobay sa studio.

Ang epic na eksena na ito ay ipinost din ni Boobay sa kaniyang Instagram account na may caption na “Virtual Sampal 101 moment with Te Glads @iamgladysreyes (laughing and heart emojis) #BawalJudgmental @eatbulaga1979”.

A post shared by boobay7 (@boobay7)

Samantala, ibinahagi rin ng aktres na si Gladys ang kaniyang mga paraan upang magampanan ng maayos ang kaniyang kontrabida roles.

“Siyempre 'pag 'yung role mo, mahirap kang kontrabida eh medyo iba kung paano ka magsasalita. Kung medyo sosyal kang kontrabida eh iba rin diba the way you talk and also pati 'yung behavior.” kuwento ng aktres.

Dagdag pa niya “Inaaral ko rin 'yung mga character talaga para hindi naman magkapare-pareho 'yung atake kahit na pare-parehong kontrabida ang ginagampanan”.

Mapapanood si Boobay bilang host sa The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:15 p.m. at si Gladys Reyes naman ay regular ding mapapanood sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA.