GMA Logo Boobay
Source: Boobay (IG)
What's on TV

Boobay, naluha nang balikan ang larawan kasama ang ex-boyfriend

By Aimee Anoc
Published July 17, 2021 11:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Palestinians celebrate Christmas in Bethlehem
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Boobay


Bakit nga ba naging emosyonal si Boobay sa 'Mars Pa More?'

Naging emosyonal si Boobay sa Mars Pa More nang muling makita ang larawan kasama ang ex at mga kaibigan habang nasa Boracay.

Kamakailan lamang nang kumpirmahin ng non-showbiz boyfriend nito na si Kent Resquir na hiwalay na sila ng komedyante matapos ang siyam na taong relasyon.

Hiniling naman ni Mars Pas More host Camille Prats na pag-usapan ang naturang larawan kung saan kasama nito ang ex at masayang nagbabakasyon sa Boracay.

"Teka, o sige pag-usapan muna natin at saka past na ito, Mars!" sabi ni Camille.

Bago pa man tuluyang makapagkuwento, hindi na napigilan pa ni Boobay na maluha at makikitang pinupunasan niya ang kanyang mga mata.

"Oo past na! Ang sakit pala na sinasabing 'Past na ito 'no?' Tapos dinidikdik mo pa. Parang pina-realize mo sa akin na past na nga pala," biro ni Boobay kay Camille.

"Kasi parang pangalawang beses pa lang niyang umuuwi from Australia. So February 'yan, Valentine's last year (2020) bago pa mag-lockdown o bawal ang lumipad," paliwanag ni Boobay sa larawan.

"Sabi ko, maganda 'yata maging mas memorable 'yung uwi niya rito para siyempre, I'm sure nabo-bore siya roon sa Australia. Something, alam mo 'yun, elegant na bakasyon," dagdag pa ni Boobay.

Humirit naman ang close friend ni Boobay na si Pepita, na kapwa niya guest sa show, "Ang usapan ambag-ambagan pero ikaw lahat ang nagbayad, kaya very generous."

"Worth it naman 'yung nangyari kasi 'di ba nag-enjoy 'yung mga friends ko," sagot ni Boobay.

Biro naman ni Pepita, "Naisip mo ba na itong tawa na ito ay hindi na pala mauulit?"

Samantala, alamin kung bakit kasama sa top comedians sina Boobay at Tekla sa gallery na ito: