GMA Logo Boobay on The Boobay and Tekla Show
PHOTO COURTESY: The Boobay and Tekla Show
What's on TV

Boobay, nanalo bilang SK Chairman noon?

By Dianne Mariano
Published October 12, 2023 7:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Can the Philippines turn motorcycles into a tourism engine?
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Boobay on The Boobay and Tekla Show


Kapuso comedian na si Boobay, naging isang SK Chairman nga ba noon? Alamin dito.

Iba't ibang facts tungkol kina StarStruck alumni Radson Flores, Kim De Leon, Abdul Raman, at comedians na sina Boobay at Tekla ang nalaman sa episode ng The Boobay and Tekla Show kamakailan.

Related content: 'StarStruck' male hotties

Sumabak ang TBATS hosts at guest stars sa “What Da Fact,” kung saan ilang facts tungkol sa kanila ang ibinahagi. Isa sa facts dito ay: "Naging SK Chairman siya pero natanggal sa puwesto dahil naging priority niya ang pag-aaral."

Sa huli, inilahad na si Boobay ang tinutukoy sa statement. Paliwanag ng Kapuso comedian, "Ito 'yung nangyari noong 2004 pero 2003 'yung election, nanalo akong SK Chairman. Tapos nagkataon, nakapasa ako sa university sa Baguio. Kailangan ko mag-transfer doon.

"So 'yung kagawad namin, gusto kunin 'yung puwesto ko kasi 'di ko daw magagampanan 'yung tungkulin ko [bilang] SK Chairman. So binigay ko, ginive up ko. Okay lang naman."

Sino naman kaya sa kanila ang ilang beses na nawalan ng cellphone? Alamin sa video sa ibaba.

Sumalang din sina Radson, Kim, Abdul, Boobay, at Tekla sa “Bawal Tumawa Newscast,” kung saan sinubukan nilang kontrolin ang kanilang pagtawa habang nag-uulat.

Sumabak din ang Kapuso actors sa “Phone Raid,” kung saan binasa ng comedy duo ang ilang messages mula sa kanilang cellphones. Ano kaya ang kanilang mga nalaman?

Patuloy na subaybayan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:40 p.m., sa GMA at Pinoy Hits.