GMA Logo Boobay
Source: boobay7 (IG)
What's Hot

Boobay nasa mabuting kalagayan na matapos mag-collapse sa gitna ng show sa Mindoro

By Mark Joseph F. Carreon
Published January 22, 2026 5:09 PM PHT
Updated January 22, 2026 6:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

₱8M smuggled cigarettes seized in Pangasinan
Public urged to report sexually explicit content by Grok after ban lift
Alex Eala back in Manila ahead of first Philippine Women's Open

Article Inside Page


Showbiz News

Boobay


Kumusta na kaya si Boobay matapos ang isang insidente sa Mindoro?

Naglabas ang Sparkle GMA Artist Center, ang talent management group na nagma-manage ng showbiz career ni Boobay, ukol sa recent health scare na sinapit ng Kapuso comedian.

Sa kanilang social media post, sinabi ng Sparkle na nasa mabuti at maayos na kalagayan na si Boobay.

"Sparkle GMA Artist Center assures the public that Boobay is currently stable, and in good condition."

Courtesy of Sparkle GMA Artist Center (IG Story)

Patuloy naman na minomonitor ang kanyang condition. Grateful naman si Boobay sa natatanggap na kalinga ng Sparkle at fans.

Dagdag ng Sparkle sa kanilang statement: "Sparkle is fully supporting his recovery with complete medical care, rest, and regular monitoring. We sincerely thank fans and the public for their concern and kind messages during this time.

"Boobay is grateful for the support and looks forward to returning once fully recovered."

Para sa mga hindi nakakaalam tungkol sa insidente, dumalo ang The Boobay and Tekla Show host na si Boobay, kasama ang co-host na si Super Tekla, sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro.

Base sa mga video sa social media, masiglang nagsimula ang performance ni Boobay. Gayunpaman, sa kalagitnaan ng kanyang pagtatanghal, bigla itong napahinto, nawalan ng balanse, at tuluyang bumagsak sa entablado.

Agad na sumaklolo ang mga staff ng programa para buhatin ang TBATS host patungong backstage upang mabigyan ng first aid treatment.

@sirearonicx Magpahinga ka Ms Bobay, salamat sa pagpapasaya mo sa amin. #tbats #bobayandtekla #superbobay #basudani ♬ original sound - Sir Earonicx

Maraming manonood ang kinabahan sa nangyaring ito kay Boobay. Sa gitna ng kaba ng audience, agad na umakyat ng stage ang kanyang comedy partner na si Super Tekla.

Kita naman sa bukod na video, matapos ang ilang minuto, laking gulat at tuwa ng mga tao nang muling lumabas si Boobay sa stage para ituloy ang show.

Kasama ang partner na si Tekla, ipinagpatuloy ni Boobay ang kanilang song performance sa kabila ng pagkahimatay. Nagbiro pa ang dalawa komedyante tungkol sa nangyari.

“Paano kasi binanggit banggit mo si Lord kanina ayan tuloy dumirecho ako doon. Bakla ka ng taon dapat hindi mo binabanggit yun. Ayan tuloy nangyari yun,” biro ni Boobay.

“Kasalanan mo 'yun,” pabirong dagdag pa ni Boobay.

Patuloy na pinasaya nina Boobay at Tekla ang mga manonood at muling nagbiro si Boobay: “Ito na lalabas na siya kasi kailangan niyang kantahin 'to kasi kung hindi ko daw kantahin 'to, hindi makukumpleto yung sweldo ko ngayong gabi. Na saan po yung mga naka flashlight diyan, tuloy-tuloy niyo po yan.”

Maraming netizens ang nagpahayag ng pagmamalasakit at payo tungkol sa kalusugan ni Boobay.

“Magrest ka din po,” comment ng isang netizen.

“Take care of yourself po. It is not bad to rest po,” ani pa ng isa.

@sirearonicx Replying to @marjiecute ♬ original sound - Sir Earonicx

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaranas si Boobay ng ganitong insidente. Matatandaang noong 2016 ay dumanas siya ng mild stroke, na nag-iwan ng tinatawag na "absence seizure" o biglaang pag-blanko ng isip at pagkawala ng malay sa loob ng ilang segundo o minuto.

Noong 2023, nakaranas siya nito sa gitna ng isang live interview kay Boy Abunda.

Related Gallery: Boobay and Tekla, very grateful for the continued support they are getting