What's Hot

Boobay, pinag-ipunan ang Pasko para sa pamilya

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 12, 2020 10:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

After bumping into motorcycle in QC, fleeing van mobbed by bystanders
Usa ka SUV natagak paingon sa Mangrove Area sa Cordova | Balitang Bisdak
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi lang magaling na comedian si Boobay, isa rin siyang mabuting anak at kapatid. 


By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Isa sa pinaka visible sa telebisyon ngayon ang trending beki na si Boobay. Bukod sa mga regular shows niya na Ismol Family, Celebrity Bluff at Marimar, kabi-kabila din ang mga hosting events at shows sa mga sikat na comedy bars.

Pagpapaiyak ni Mylene Dizon kay Boobay, certified viral video na!

Boobay, nagkuwento tungkol kay Marian Rivera at sa lagay nito matapos manganak 

IN PHOTOS: ‘Ismol Family’ comedian Boobay travels to Baguio 

Kaya naman tinanong namin ang magaling na komedyante kung papaano niya plano i-spend ang kanyang Christmas break matapos ang isang masaganang 2015.

Kuwento ni Boobay, simula daw na mamatay ang kanyang pinakamamahal na ina, mas pinipili daw nilang pamilya na mula sa Zambales na ipagdiwang ang kapaskuhan sa Maynila.

Ayon kay Boobay, “Simula noong namatay si Mama ko two years na, ang ginagawa ko para naman talagang buong-buo kami sa family, kahit na alam mo ‘yun nasa Heaven na ‘yung Mama ko, pinapapunta ko ‘yung buong family ko dito sa Manila.”

Dagdag pa nito, “So ‘yung father ko tapos ‘yung tatlong mga kapatid ko pang iba, pinapapunta ko sa Manila. Magkakasama kami diyan sa tinitirahan ko dito sa QC. Tapos ‘yun we celebrate together and then after that we go out ganyan, tapos ‘yun kung ano pa gusto nilang [gawin] tini-treat ko talaga sila ng bonggang-bongga.”

Pinag-iipunan daw talaga ni Boobay ang Christmas, dahil gusto raw niya iparamdam sa kanyang pamilya kung gaano sila kaepesyal at i-share ang tinatamasa niyang blessings.

“Minsan lang naman yan sa isang taon, 'tsaka minsan mo din lang namang makita na alam mo ‘yun na iparamdam na espesyal ‘yung family members mo, so talagang pag ganyang holiday lalo pag Christmas, talagang pinag-iipunan ko rin talaga para super happy and unforgettable ‘yung Christmas namin.”

“Iwas lungkot na rin, kasi siyempre wala na si madir, pero that’s life. So as much as possible, kailangan very special ang holiday, ” ani ng Ismol Family star.

WATCH: Cook for the Ho-Ho-Holidays with Boobay and Chef Anton