GMA Logo Boobay
Photo by: boobay (IG)
Celebrity Life

Boobay wishes former partner Kent Resquir a successful career

By Aimee Anoc
Published January 2, 2022 2:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
6 men to face alarm and scandal complaint after roadside scuffle
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Boobay


Kumusta na kaya ngayon ang puso ni Boobay matapos ang breakup nila ng ex-boyfriend?

Inamin ni Boobay na hindi niya nagawang magalit sa dating kasintahan nang hilingin nitong maghiwalay na sila.

Sa naganap na bag raid sa vlog ni Betong Sumaya, sinagot ni Boobay ang tanong ng una kung kumusta na nga ba ang love life niya ngayon.

Hulyo 2021 nang kumpirmahin ni Boobay na hiwalay na sila ng kanyang non-showbiz partner na si Kent Resquir matapos ang siyam na taon.

"So, so... Hindi ako mananatili roon sa kalungkutan na ipinagkaloob sa akin kasi sa kabila ng mga lungkot na nadarama ko ngayon, may mga blessings na dumating," sagot ni Boobay.

"Pero kung tinatanong n'yo 'yung puso ko, syempre nasaktan, Kuya Betong. Sino'ng hindi masasaktan?" dagdag ng komedyante.

Sinagot din ni Boobay ang isa pang tanong ni Betong, "May panghihinayang ba?"

"May pagtatanong. Bakit hindi ako nabigyan ng pagkakataon na mailabas 'yung nararamdaman ko," pagbabahagi ni Boobay.

Ayon sa komedyante, hindi raw niya nagawang magalit sa dating kasintahan dahil sa pinagsamahan nilang dalawa.

"Kasi nga siguro dahil [ang iniisip] ko palagi na 'Balikan mo. Ano ba 'yung natutunan mo sa taong 'yon? Ano rin ba ang naibigay sa 'yo ng taong 'yon? Sino-sino ba 'yung mga taong naging parte na rin ng buhay mo simula nang nakilala mo 'yung taong 'yon, 'di ba?'

"Hindi ko pa siya naiiyak, Kuya Betong. Doon din ako thankful at the same time kay Lord kasi hindi niya hinayaan na ma-depress ako," kuwento ni Boobay.

Ibinahagi rin ng komedyante ang nangyari sa paghihiwalay nila ni Kent. "Noong nakipag-break siya sa akin, sabi ko 'Don't worry. Sige, ibibigay ko na sa 'yo 'yan. Birthday gift ko na sa 'yo dahil 'yan ang request mo."

Sa pagtatapos ng vlog, ipinarating ni Boobay ang hiling nito para sa dating kasintahan.

"Sana naging tama 'yung desisyon mo. At na-e-enjoy mo muna ang pagiging single. Sana totoo na 'yun 'yung reason. Alam ko kung gaano siya ka-workaholic. Alam ko kung ano 'yung pangarap niya for his family.

"Okay lang sa akin 'yun kahit wala ako roon sa frame, as long as it's for the family, para sa sarili niya. Sana more pa 'yung success niya. And syempre laging put your feet on the ground. Sana you don't forget our memories," sabi ni Boobay.

Panoorin ang bag raid at interview ni Betong Sumaya kay Boobay rito:

Samantala, alamin kung bakit kasama sa top comedians sina Boobay at Tekla sa gallery na ito: