GMA Logo Boobsie Wonderland working in Japan
What's on TV

Boobsie Wonderland, naubos ang mga naipundar ng kanyang pagja-Japan?

By Aedrianne Acar
Published May 5, 2025 12:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Boobsie Wonderland working in Japan


Boobsie Wonderland, binalikan ang buhay OFW niya sa Land of the Rising Sun.

Walang kiyeme na pinagusapan ng comedienne na si Boobsie Wonderland o Mary Jane Arrabis sa totoong buhay, ang buhay niya nung magtrabaho sa Japan noong mag-guest siya sa Your Honor last Saturday.

Nakakagulat kahit para kina Madam Chair Tuesday Vargas at Vice Chair Buboy Villar na sumugal si Mary Jane na dumiskarte sa ibang bansa sa murang edad na katorse.

Pag-amin ng comedienne gusto niya maiahon ang buhay ng kaniyang pamilya.

“Mas ano ko 'yung mabigyan ng maayos na pamumuhay kami.”

Tanong naman ni Tuesday kung sarili ba niya itong desisyon.

Sagot agad ni Boobsie: “Desisyon ko 'to.”

Pagpapatuloy niya, “Kasi nga brainy-brainy si watashi. Tapos magalawgaw nakita ako ng nanay ng kaklase ko. Sabi niya, puwede ka mag-Japan kasi malaki ang bulas ko at 14 years old. Hindi halatang bagets. Sabi ko, 'Sige po, try ko.'

“Tapos two days nun paalis na ako. E, nalaman ng Mama ko na, 'Ano, aalis ka papuntang Japan? Hindi mo ba alam sinisira mo buhay mo? E kung ma-ano ka dun ganiyan, ganiyan ng mga Yakuza?'"

Katwiran ni Boobsie sa kaniyang ina: “E, 'Ma. Nakapag-cash advance na ako ng Php 20,000. Kung ayaw n'yo mag-Japan ako, e 'di balik n'yo na lang 'yung twenty. [Sabay sabi niya], 'O, basta mag-iingat ka anak.'”

Marami mang naipundar si Boobsie Wonderland sa pagiging OFW niya sa Japan, inilihad din niya sa House of Honorables kung bakit naubos ang lahat ng mga ito.

“Tapos nung nag-Japan ako ng 14 years old dahil nga kabataan mo, ikaw 'yung nagnu-number one. Ang dami ko naging Hapon nun. Mga 14 to 16, ang Hapon ko ng araw tatlo, tatlo tuwing uuwi ng Pilipinas, pero walang kiyeme nun ah. Madiskarte lang noon mga panahon na 'yun. Kaya ang dami ko rin naging bahay, ang dami ko naging properties. Pero dahil nga nalulong tayo sa hindi magandang kinembular.

“Ibig sabihin gulong ang buhay. Minsan nasa taas, minsan nasa baba."

Pakinggan ang buong kuwento ni Boobsie Wonderland sa Your Honor sa video below!

TRIVIA: Dating trabaho ng celebrities bago sila nakilala