Article Inside Page
Showbiz News
Overwhelmed pa rin ang mag-asawang Boots Anson-Rodrigo at Atty. King Rodrigo dahil napabilang sila sa mga pamilyang nakatagpo ni Pope Francis sa Mall of Asia Arena noong January 16.
By CHERRY SUN
Overwhelmed pa rin ang mag-asawang Boots Anson-Rodrigo at Atty. King Rodrigo dahil sa pribilehiyong mapabilang sa mga pamilyang nakatagpo ni Pope Francis sa Mall of Asia Arena noong January 16.
Bahagi ng batikang aktres sa Unang Hirit, “Makapagbagdamdamin, nakapangingilabot at gaya nga ng sinabi ko, parang ang feeling ko at sasabihin ko na rin sa ngalan ni Atty. Rodrigo, parang siguro napatawad lahat ng kasalanan namin.”
“I found it very sanctifying. Para bang nabura lahat ang mga sakit, the pains and the hurts and the sins. More importantly, it developed in me a resolve to be a better person for others,” dagdag ni Atty. King.
Kasama ang kanyang 100-year-old na biyenan na si Ginang Remedios Enriquez-Rodrigo, sina Boots at ang pamilyang Rodrigo ang napiling maghatid ng mensahe ng mga pamilya at ang nag-alay ng garland o kuwintas na puno ng sampaguita sa Santo Papa.
Kuwento ni Atty. King tungkol sa kanyang ina, “Noong nandun kami sa entablado, hawak-hawak niya ‘yung kamay ng Pope, walang ginawa kundi sabihin “I love you, I love you, I love you.”
“The Pope naman in all humility said, ‘Please pray for me.’ Lugar na kami ang ipagdasal niya, humingi siya na ipagdasal namin siya,” dugtong niya.
Tiniyak din niyang patuloy nilang ipagdarasal si Pope Francis.
Aniya, “Ngayong paalis na ang Pope, sana ay maiwan sa ating puso at diwa ang mga ipinunla niyang binhi – binhi ng mga pagmamahalan sa pamilya, binhi ng pakikiramay sa mahihirap, binhi ng pagmamalasakit. Sana lahat ‘yan ay tumubo, yumabong at mamunga a thousand fold.”
Samantala, hinangaan din ni Boots ang libo-libong Pilipino na mainit na sumalubong at taimtim na nakinig kay Pope.
“Sa lahat siguro, bigyan natin ng papuri, higit sa amin na we had the privilege of being inside the Mall of Asia arena safe from the rain, safe from the elements, ‘yung mga kababayan natin na nagpatunay na ika nga ay waterproof nga ang collective faith ng mga Pilipino,” saad niya.
Video courtesy of
GMA News