GMA Logo Zephanie as Jeni Sicat
Source: Born to Shine
What's on TV

Born to Shine: Ang paghahanap kay Jeni Sicat

By Kristian Eric Javier
Published April 13, 2026 12:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Eduardo Año, nagbitiw bilang National Security Adviser; Eduardo Oban, pumalit
Man shot dead inside home in Bacong, Negros Oriental

Article Inside Page


Showbiz News

Zephanie as Jeni Sicat


Hinahanap na ng pagkakataon si Jeni Sicat sa 'Born to Shine!' Mabibigay na kaya sa kanya ang pagkakataon na kuminang?

Pagkatapos ng kanyang pagsali sa Estrella Idol, iba't ibang tao ang naghahanap ngayon kay Jeni Sicat, ang karakter na ginagampanan ni Zephanie.

Una ay si Nate (Michael Sager) na itinuturing si Jeni bilang ang nararapat na kampeon ng naturang contest. Magtatayo kasi ng P-Pop group ang kanyang ina na si Monica (Roselle Nava) at naniniwala ang binata na nararapat bigyan ng pagkakataon si Jeni maging bahagi nito.

Dahil sa isang video nina Jeni, Yumi (Mitzi Josh) at Nancy (Gaea Mischa), naipakita ni Nate kay Monica ang angking galing ng dalaga sa pagkanta, na sinang-ayunan naman nito. Dahil dito, ipinahanap ni Monica si Jeni para maimbitahan maging parte ng bootcamp na magte-train sa kanila para maging isang P-Pop group.

Ngunit dahil hindi mahanap nina Monica at ng kanyang team si Jeni, napagpasyahan ni Nate na siya na lang ang maghanap sa dalaga.

BALIKAN ANG MGA NAGANAP SA STAR-STUDDED MEDIA CON NG 'BORN TO SHINE' SA GALLERY NA ITO:

Ang pangalawa ay si Amelia (Tessie Tomas). Habang naglalakad sa tabi ng kalsada, natabig si Amelia ng isang runner at natapilok. Buti na lang ay to the rescue si Jeni at tinulungan siyang makatayo at binigyan pa ng pang-unang lunas.

Dahil gustong magpasalamat, ipinahanap ni Amelia si Jeni para handugan ng regalo, at para maipakilala sa apo na si Megan (Olive May).

Ngunit tila hindi pa panahon para magkita sila dahil imbes na si Jeni, ang ina nito na si Minchie (Manilyn Reynes) ang nakitang muli ni Amelia.

Mahanap pa kaya nina Nate at Amelia si Jeni? Abangan sa Born to Shine, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime at sa Kapuso Stream.