
Pagkatapos ng sabotahe kay Jeni (Zephanie), agad na pinuntahan ni Nate (Michael Sager) si Megan (Olive May) para komprontahin at sisihin sa nangyari. Samantala, pinuntahan din ni Vanna (Sheryl Cruz) si Dara (Vina Morales) para gumanti para kay Jeni sa paniniwalang ito ang may pakana sa nangyari.
Ang mag-inang Halari nga ba ang may gumawa ng sabotahe, o may bagong kaaway na naman si Jeni?
Abangan ang pagningning ng bituing matagal nang kinukubli sa Born to Shine, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.