
Muli na namang sinita ni Monica (Roselle Nava) si Megan (Olive May) matapos makunan ng video ang dalaga sa isang bar. Dahil sa un-idol-like behavior niya, pinagbantaan si Megan ni Monica na tatanggalin sa YUMI! Saan kaya hahantong ang komprontasyon na ito?
Samantala, isang kaabang-abang na crossover naman ang magaganap sa pag-perform ng YUMI sa laban ni MakMak Batumbakal (Anton Vinzon) sa Kamao.
Abangan ang pagningning ng bituing matagal nang kinukubli sa Born to Shine, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.