GMA Logo Tessie Tomas, Zephanie, Manilyn Reynes on Born to Shine
Source: Born to Shine
What's on TV

Born to Shine: Jeni, alam na ang tunay niyang pagkatao!

By Kristian Eric Javier
Published July 14, 2026 1:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

WALANG PASOK: Class suspensions for Tuesday, July 14, 2026
American killed inside home in Sibulan, NegOr; companion hurt
Miss International and Miss Globe winners to attend Binibining Pilipinas finals

Article Inside Page


Showbiz News

Tessie Tomas, Zephanie, Manilyn Reynes on Born to Shine


Sa paglabas ng katotohanan, kanino kaya maniniwala si Jeni?

Unti-unti nang nabubulgar ang mga sikretong itinatago sa Born to Shine!

Sa episode nitong Lunes, July 13, sinabi na ni Amelia (Tessie Tomas) kay Jeni (Zephanie) ang tunay niyang pagkatao: na ang tunay na ama ng dalaga ay si Dio Halari (Rayver Cruz), at siya ang lola nito.

Ngunit imbes na matuwa, napuno lang ng galit si Jeni at sinabing kung dati ay gustong gusto niyang maging lola si Amelia, ngayon ay kinamumuhian na niya ito dahil sa pananakit at pang-aalipusta sa kanila ng inang si Minchie (Manilyn Reynes).

Sinabi rin ni Jeni na si Minchie lang ang paniniwalaan niya, ngunit si Amelia, hindi pa rin sumusuko. Sinabi ni Amelia na puro kasinungalingan lang ang sinasabi ni Minchie sa dalaga.

BALIKAN ANG MGA NAGANAP BEHIND THE SCENES SA MEDIACON NG 'BORN TO SHINE' SA GALLERY NA ITO:

Matatandaan na matagal itinago ni Minchie at ni Perry (Smokey Manaloto) ang tunay na pagkatao ni Jeni mula sa kanilang anak at maging sa kanilang mga kaibigan. Bukod sa kanila, iisang tao lang ang nakakaalam na anak ni Dio si Jeni, si George (Don Umali).

Sa hindi inaasahang pagkakataon, narinig ni Dara (Vina Morales) ang pag-uusap ng dalawa kung saan napag-usapan nila ang tungkol sa totoong ama ni Jeni. Matapos ipa-DNA test ni Dara ang dalaga, nakumpirma niyang totoo ang sinasabi nina George at Perry.

Samantala, dahil sa takot na patuloy na maging malapit ang anak niyang si Megan (Olive May) https://www.gmanetwork.com/entertainment/showbiznews/born-to-shine-megan-nalaman-na-ang-katotohanan-tungkol-kay-jeni/134753/ kay Jeni at sabihin nito na siya ang nag-utos sa isang fan para manggulo sa fan meet ng YUMI, sinabi rin ni Dara ang totoo sa kanyang anak.

Ilang beses na rin sinubok ni Megan na sabihin kay Jeni ang totoo dahil sa galit niya dito, ngunit lagi siyang pinipigilan ni Dara. Sa huli, nagkasundo sina Dara at Minchie na hinding hindi nila ipapaalam ang totoo kay Jeni.

Sa kabila ng rebelasyon ni Amelia kay Jeni tungkol sa tunay niyang pagkatao, nanindigan pa rin ang dalaga na hindi niya paniniwalaan si Amelia.

Sa paglabas ng katotohanang ito, magbabago kaya ang pagtingin ni Jeni sa kanyang mga magulang at sa mga taong nakapaligid sa kanya? Maniwala na kaya siya sa sinasabi ni Amelia, o patuloy na magbubulag-bulagan?

Subaybayan ang kuwento ng pag-abot sa pangarap sa Born to Shine, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.