GMA Logo Zephanie and Manilyn Reynes on Born to Shine
source: Born to Shine
What's on TV

Born to Shine: Jeni, mapipilitang mamili sa pagitan ng pangarap at ng inang si Minchie

By Kristian Eric Javier
Published April 29, 2026 4:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Iran threatens painful response if US resumes attacks, oil prices seesaw
PDL who died in prison sustained injuries, autopsy shows
Makiling | Ang Ganti ni Amira

Article Inside Page


Showbiz News

Zephanie and Manilyn Reynes on Born to Shine


Pamilya o pangarap, ano ang pipiliin ni Jeni? Abangan sa 'Born to Shine.'

Unti-unti nang umaabante si Jeni (Zephanie) papunta sa kaniyang pangarap habang nagte-training sa P-Pop Boot Camp sa Born to Shine!

lang beses na kasi muntik mapaalis si Jeni mula sa bootcamp. Mula sa aberya sa head coach na si Vanna Grande (Sheryl Cruz), hanggang sa mga underhand moves nina Megan (Olive May) at ng kaniyang mga kaibigan.

Ngunit nanatili pa ring matatag si Jeni at inilaban ang kaniyang pangarap at nagpatuloy sa boot camp.

Pero mukhang mauudlot muli ito matapos malaman na nakulong ang kaniyang ina na si Minchie (Manilyn Reynes).

Matatandaan na kamakailan lang ay ginamit ni Minchie ang pera ng kanilang grupo para i-invest kay Shiela (Regine Tolentino). Ngunit tinakbuhan siya nito at ngayong hinahanap na ng mga tao ang kanilang in-invest at ang perang kinuha niya sa impukan, pinagbibintangan nila si Minchie.

Dahil hindi niya kaagad naibalik ang pera, napilitan ang kaniyang mga kasamahan na ipaaresto at ipakulong si Minchie.

Sa bootcamp, naghahanda na sina Jeni, Yuna (Mitzi Josh), at Nancy (Gaea Mischa) para sa kanilang group performance. Ngunit nang malaman ang nangyari kay Minchie, kinailangan mamili ni Jeni kung tutuloy pa siya sa kanilang performance, o pupuntahan ang ina para suportahan ito kapalit ng automatic na pagkakatanggal sa boot camp.

May pag-asa pa kayang matupad ang pangarap ni Jeni sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap niya at ng kaniyang pamilya?

Abangan sa Born to Shine, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso stream.

BALIKAN ANG NAGANAP NA MEDIA CON NG 'BORN TO SHINE' SA GALLERY NA ITO: