GMA Logo Zephanie as Jeni and Olive May as Megan on Born to Shine
Source: Born to Shine
What's on TV

Born to Shine: Jeni, nasabi kay Megan na magkapatid sila

By Kristian Eric Javier
Published July 21, 2026 3:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos summons Chinese ambassador over Ayungin Shoal incident
Quirino farmers receive 200 breeder pigs
Sam Bernardo encourages Filipinos to invest in oral health

Article Inside Page


Showbiz News

Zephanie as Jeni and Olive May as Megan on Born to Shine


Nabunyag na ang katotohanan ng pagkatao ni Jeni sa 'Born to Shine!'

Hindi na napigilan ni Jeni (Zephanie) na sabihin ang katotohanan kay Megan (Olive May) na magkapatid sila sa Born to Shine matapos ilang ulit iparamdam ng huli ang galit nito sa una.

Pagkatapos ng watch party ng YUMI na kinabibilangan nina Jeni, Megan, Alfea (Naya Ambi), Yuna (Mitzi Josh), at Nancy (Gaea Mischa), nakita muli ni Megan ang pagkakaiba nila ni Jeni; kung papaano maraming humahanga dito, maraming fans, at may present na mga magulang.

At dahil alam ni Jeni na malungkot ang kanyang kapatid, sinubukan niyang tulungan ito at pagaanin ang loob. Ang paniniwala kasi ni Jeni, hindi pa alam ni Megan ang totoong relasyon nila. Kaya nang masigawan siya ng huli, nabulalas na ni Jeni na magkapatid sila.

Laking gulat na lang niya dahil sa reaksyon ni Megan, napagtanto ni Jeni na alam na pala nito. Kaya naman, takang-taka rin siya kung bakit hindi sinabi sa kanya ng kapatid ang totoo, at kung bakit tila ayaw ni Megan na ayusin ang kanilang relasyon.

BALIKAN ANG BEHIND THE SCENES SA MEDIA CON NG 'BORN TO SHINE' SA GALLERY NA ITO:

Dito na sinabi ni Megan ang totoo: ang takot niya na baka agawin ni Jeni ang buhay niya, ang pamilya niya, lalong lalo na ang ama niyang si Dio (Rayver Cruz).

Sinigurado naman ni Jeni na hindi niya gagawin iyon. Gusto lang niyang mas makilala pa ang ama, ngunit hindi ito ibinigay ni Megan.

Kaya naman, para makakuha ng kasagutan, lumapit na si Jeni sa inang si Minchie (Manilyn Reynes) at tinanong ito tungkol kay Dio. Ani Jeni, gusto lang niya makakuha ng closure tungkol sa kanyang pagkakakilanlan.

Paano kaya maaapektuhan sa ginawa niyang ito ang Popsie ni Jeni na si Perry (Smokey Manaloto)?

Subaybayan ang kuwento ng pag-abot sa pangarap sa Born to Shine, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.