
Sa kabila ng magandang audition ni Jeni (Zephanie) para sa isang recording company, hindi pa rin nila matanggap ang dalaga dahil sa mga eskandalong kinasasangkutan nito. Kaya naman, dahil sa kaniyang guilt, tila gusto na rin aminin ni JC (Kobie Brown) ang katotohanan tungkol sa mga kumakalat na balita. Makuha pa kaya ni Jeni ang pagkakataon na nararapat para sa kaniya?
Abangan ang pagningning ng bituing matagal nang kinukubli sa Born to Shine, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.