GMA Logo born to shine
Source: Born to Shine
What's on TV

'Born to Shine': Kendall, bumusina na kay Jeni tungkol kay Nate

By Kristian Eric Javier
Published September 10, 2026 12:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magkakapatid na OFW, bakit sabay-sabay napauwi ng Pilipinas? | GMA News Feed
KALURKS!: Aiai Delas Alas at Kim Ji-soo, makakasama sa chismisan! (Episode 1 Teaser)
Kelsey Merritt, Alex Eala share a hug at New York Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

born to shine


Hahayaan na ba ni Jeni sina Kendall at Nate na magkatuluyan?

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Kendall (AC Bonifacio) na kumilos para ipaalam kay Jeni (Zephanie) ang nararamdaman niya para kay Nate (Michael Sager) sa Born to Shine! Sa katunayan, bumusina na si Kendall at nagpaalam kay Jeni tungkol dito.

Matatandaan na inamin na sa wakas ni Nate na mahal niya si Jeni. Ngunit ang dalaga, nais munang pagtuunan ng pansin ang kaniyang karera, lalo na at nagsisimula pa lang siya muli, bagay na naintindihan naman niya.

Una namang nakita ni Kendall si Nate sa naganap na P-Pop Awards, kung saan nagpakita siya ng interes dito. Sa katunayan, ang isa't isa pa nga ang first dance nila para sa naturang event.

At kahit nilinaw na ni Nate na taken na ang puso niya, hindi pa rin umano susuko si Kendall para makuha ang binata.

Alam naman ni Kendall na si Jeni ang nilalaman ng puso ni Nate. Kaya naman sa nagdaang episode ng serye, tinanong na niya ang bagong kasamahan sa agency tungkol kay Nate.

Nilinaw naman ni Jeni na walang namamagitan sa kanila ni Nate, at sinabing matalik lang silang magkaibigan ngayon.

Kaya si Kendall, umamin na sa tunay niyang nararamdaman para sa binata. At ngayon, itinuturing na niya si Jeni bilang kaniyang wingwoman. Sa katunayan, handa nga siyang tulungan ang bagong lider ng NIXI para makuha ang loob ni Nate.

KILALANIN ANG CELEBRITIES NA MINSAN NA RING NAGMAHAL NG IISANG TAO SA GALLERY NA ITO:

Ngunit noong mag-isa na lang siya sa bahay, kinukwestyon ni Jeni ang mga sinabi niya kay Kendall, lalo na at sa tingin niya, “may something” sa gstures na ipinakita sa kaniya ni Nate. Ngayon ay naguguluhan na siya kung talaga bang magkaibigan lang sila ng binata.

Aamin na rin kaya si Jeni sa totoo niyang nararamdaman, o hahayaan na niya sina Nate at Kendall na magkatuluyan? Abangan sa Born to Shine, Lunes hanggang Sabado, 2:30pm sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream. Mapapanood din ang musical-drama series sa GMA Play.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.