GMA Logo born to shine
Source: Born to Shine
What's on TV

Born to Shine: Magbabalik na kaya ang Rosabellas?

By Kristian Eric Javier
Published May 29, 2026 3:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Painting the world purple: 7 Metro Manila spots for your next ube fix
Turning pressure into opportunity
Cebu's Gazini Ganados reaches Top 5 in MGI All Stars

Article Inside Page


Showbiz News

born to shine


Muli na bang maririnig ang tinig ng girl group na Rosabellas sa 'Born to Shine'?

Matapos ang matagal na away nina Jeni (Zephanie) at Megan (Olive May) sa Born to Shine, magkaibigan na sila sa wakas! At gaya nga ng sabi ni Perry (Smokey Manaloto), sana ang mga ina rin nilang sina Minchie (Manilyn Reynes) at Dara (Vina Morales) ay magkabati na rin.

Sa katunayan, ito rin ang hiling ng ikatlong miyembro ng girl group nilang Rosabellas na si Charice (Tina Paner), na magkaayos na sa wakas ang kaniyang mga kaibigan at mag-reunion ang kanilang grupo.

Matatandaan na sa mga nakaraang episode, ilang ulit na nagkasama ang tatlo sa iba't ibang mga pagkakataon. Isa rito ang pagpanaw ng number one fan ni Dara at ng Rosabellas na si Ate Concie, kung saan dumalaw sila sa lamay nito.

Dito, patuloy pa rin na nagbabangayan sina Minchie at Dara, kaya sa kaniyang inis ay inihayag ni Charice ang pagkapikon niya sa dalawang kaibigan.

TINGNAN ANG PAGKAKAIBIGAN NG MGA MIYEMBRO NG ROSABELLAS SA LIKOD NG CAMERA SA GALLERY NA ITO:

Ang isa pang pagkakataon ay nang ayain ni Charice sina Dara at Minchie na ipagdiwang ang anibersaryo ng Rosabellas. Inimbitahan niya ang mga ito sa kaniyang bar at naghanda ng pagkain at inumin para sa kanila.

Inamin ni Charice na matagal na niyang mag-isang ipinagdiriwang ang kanilang anibersaryo, kaya naman masaya siyang makasama ang dalawa. Ngunit si Minchie, puno pa rin ng galit, at nagsabing hindi niya magagawang makasama si Dara at umalis.

Sa pag-alis niya, nakasalubong niya ang fans ni Dara na hindi pa rin nalilimutan ang pagsira niya diumano sa relasyon nina Dara at Dio (Rayver Cruz) noon. Buti na lang ay to the rescue sina Dara at Charice at itinaboy ang fans. Pero si Minchie, hindi pa rin mapawatawad si Dara.

At ngayong nagkabati na sina Jeni at Megan, gaya ni Perry, hiling din ni Charice na magkabati na ang dalawa niyang kaibigan.

Magbabalik na nga ba ang Rosabellas?

Subaybayan ang kwento ng pag-abot sa pangarap sa Born to Shine, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso stream.