
Sa pag-alis ni Megan (Olive May) mula sa P-Pop girl group na YUMI, magsisimula na rin ang solo career niya na matagal na niyang inaasam sa Born to Shine. Sa katunayan, ibinahagi na nga niya ang kanyang plano sa kanyang fans online.
Ngunit kasabay ng kanyang pag-alis, maiiwan naman ang dating grupo niya na kinabibilangan na lang ngayon nina Yuna (Mitzi Josh), Nancy (Gaea Mischa), at Alfea (Naya Ambi).
Sa pag-uusap nina Nate (Michael Sager), Monica (Roselle Nava), at ng tatlong natitirang miyembro ng grupo, nagbigay siya ng iba't ibang puwede nilang gawin para isalba ang YUMI. Maaari umanong mag-rebrand ang YUMI, o kaya naman ay gawin silang trio.
Ang fans online, pabor sa posibilidad na maging trio na lang sina Yuna, Nancy, at Alfea, na kilala rin bilang YuNanFea. Sa katunayan, marami na rin ang nagsasabing mas mabuti pa nga maging trio na lang sila dahil sa mga kalokohan ni Megan.
Napatunayan na rin ng YuNanFea kung gaano sila kagaling bilang isang trio sa song covers na pino-post nila online. Ilan sa mga komento ng fans ay maganda ang blending ng tatlo at powerful ang harmony nila.
Ilan sa netizens naman ang umaasang magkakatrabaho muli ang YUMI at ang dati nilang leader na si Jeni (Zephanie) kahit sa isang collaboration lang. Ang iba naman, hinihiling na sana ay kuhanin din ni Vanna (Sheryl Cruz) ang natitirang YUMI.
Saan na nga ba hahantong ang karera nina Yuna, Nancy, at Alfea? Sila na ba ang susunod sa yapak ng naunang trio group na Rosabellas?
Subaybayan ang kuwento ng pag-abot sa pangarap sa Born to Shine, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.
TINGNAN ANG OFFLINE BONDING AT KULITAN NG MGA MIYEMBRO NG YUMI OFF CAM SA GALLERY NA ITO: