GMA Logo BorManilyn Reynes and Zephanie as Minchie and Jeni on Born to Shinen to Shine
Source: Born to Shine
What's on TV

Born to Shine: Minchie, proud sa anak na si Jeni

By Kristian Eric Javier
Published April 8, 2026 4:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Baguio City declares state of calamity due to fuel crisis
Letran Lady Knights are the NCAA S101 women's volleyball champs
Mapaang nga tiyempo padayon nga mabatyagan; bagyo, wala pa sang epekto | One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

BorManilyn Reynes and Zephanie as Minchie and Jeni on Born to Shinen to Shine


Kahit labag sa kanyang kalooban, proud pa rin si Minchie sa kakayahan ng anak na si Jeni sa 'Born to Shine.'

Matapos ang ilang subok na umawit sa harap ng maraming tao nang hindi natutuloy, sa wakas ay naipamalas na ni Jeni (Zephanie) ang maganda niyang boses sa naganap sa Estrella Idol sa episode ng Born to Shine noong Martes, April 7.

Ngunit ang pinakatatago-tago niyang pagsali, nalaman pa rin sa huli ng nanay niyang si Minchie (Manilyn Reynes) na nagpunta sa naturang patimpalak para pigilan ang anak. Ngunit si Perry (Smokey Manaloto), pinigilan ang asawa at inudyukang panoorin si Jeni.

Habang umaawit si Jeni, kitang naging emosyonal si Minchie at napaiyak dahil sa angking galing ng anak. Ngunit noong matalo ito, sinabi lang niya kay Perry na tama lang na hindi na kumanta pa si Jeni at tuparin ang pangarap niya.

Handa si Jeni na harapin ang galit ng ina pag-uwi niya ng bahay at sinabing handa siyang tanggapin ang lahat ng pagalit at parusa ni Minchie sa kanya. Ngunit hindi niya inasahan ang sinabi ng kanyang ina.”

“Ang galing mo. Ang galing mo kanina,” sabi ni Minchie.

Aminado si Jeni na nanghihinayang siya na hindi niya nakuha ang panalo, pero ayon kay Minchie, ganoon naman talaga ang mundo ng showbiz, bagay na naranasan na niya, at ayaw sanang maulit kay Jeni.

MULING KILALANIN ANG MGA BIDA NG 'BORN TO SHINE' SA GALLERY NA ITO:

Sa comments section, marami ang nagsabi na naiyak sila sa palitan nina Zephanie at Manilyn sa eksena. Sa katunayan, ang iba pa nga sa kanila, nauna pa diumano maiyak kaysa mga aktor.

May netizens din na nagkomento na naiintindihan nila ang pinanggagalingan ni Minchie, lalo na ang pag-ayaw nito na maging singer ang anak.

“Basta Gets ko Siya bakit ayaw niya maging singer si jenny dahil mahal na mahal niya anak niya takot siyang matulad si jenny sa kanya ehh,” sabi ng isang netizen.

Sabi naman ng isa pang nagkomento, “Realtalk lang si Manilyn. Nangyayari yan pag paulit ulit na natatalo dahil minsan nadaan sa lagay o palakasan ang isang contest. As a parent ayaw masaktan ng paulit ulit ang anak.”