
Lubos-lubos na ang naging tulong ni Nate (Michael Sager) kay Jeni (Zephanie) dahil bukod sa pagsama niya sa busking ng dalaga para makalikom ng pera, tinulungan din niya ang ito para makabalik sa P-Pop bootcamp sa Born to Shine.
Matatandaan na napilitan si Jeni umalis ng bootcamp matapos malaman na nakulong ang kaniyang ina na si Minchie (Manilyn Reynes). Nalaman kasi ng kaniyang mga kasamahan na kinuha niya ang perang inipon nila. Dahil dito, pinakulong nila si Minchie.
Para mabayaran ang utang ni Minchie, napilitan siyang mag-busking, tumugtog sa publiko para kumita ng pera. Sa pagtugtog niyang ito ay nakita siya ni Nate, kaya naman sinabayan na niya itong kumanta. Dahil dito, dumami ang fans na nagpunta at nagbigay sa kaniya.
Ngunit hindi lang ito ang tulong na ginawa ni Nate dahil siya rin ang nagpuno ng kulang na pera para makalaya si Minchie.
Samantala, sa pag-alis ni Jeni sa bootcamp, kasabay nito ang elimination niya mula rito, na dahilan para hindi na siya makabalik. Ngunit para kay Nate, hindi sapat na sumuko lang si Jeni kaya naman, sinamahan niya ito sa bootcamp para kausapin si Vanna (Sheryl Cruz) at payagan ang dalaga na makabalik.
BALIKAN ANG MALA-CONCERT NA MEDIA CON NG 'BORN TO SHINE' SA GALLERY NA ITO:
Ngunit dahil kailangan nilang sundin ang rules ng bootcamp, hindi maaaring payagan ni Vanna si Jeni makabalik. Ngunit hindi pa rin sumusuko si Nate at kinausap ang inang si Monica (Roselle Nava).
Kinagabihan, nakatanggap ng magandang balita si Jeni, pinapabalik siya sa bootcamp para sa second chance. Kailangan niyang patunayan ang sarili at mag-perform kung saan pagbobotohan ng coaches at ng management, at maging ang campers.
At dahil sa boto ni Monica, na nagawa niya dahil sa tulong ni Amelia (Tessie Tomas), ay muling nakabalik si Jeni sa bootcamp. Maipagpatuloy na kaya ni Jeni ang kaniyang pangarap sa kabila ng mga pagsubok?
Abangan sa Born to Shine, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso stream.