
Naghatid ng masayang performance ang P-pop girl group na YUMI, na mula sa GMA Afternoon Prime series na Born To Shine, sa It's Showtime kamakailan.
Ipinamalas nina Zephanie, Olive May, Mitzi Josh, Gaea Mischa, at Naya Ambi ang kanilang talento nang i-perform ang "This Is Our Time" na isa sa mga kantang maririnig sa kanilang musical drama series.
Matapos ito, ipinakilala ng Kapuso stars ang kanilang ginagampanang karakter sa serye na sina Jeni (Zephanie), Megan (Olive May), Yuna (Mitzi Josh), Nancy (Gaea Mischa), at Alfea (Naya Ambi).
Ayon pa sa kanila, marami pang mga awitin na hindi dapat palampasin sa Born To Shine.
"At marami pa po kayong mga songs na maririnig at dapat abangan tulad ng "Runaway", "Kwento Ko", at "Aking Liwanag", at marami pa pong iba," ani Olive May.
Bukod dito, kumasa ang Born To Shine stars sa "Kembot Challenge" kasama ang Showtime Babydolls.
Bago ito, bumisita na rin sa It's Showtime ang seasoned artists na sina Vina Morales, Manilyn Reynes, Tina Paner, at Roselle Nava noong Marso at inawit ang kantang "Breakout."
Ang mga batikang aktres ay napapanood din sa Born To Shine bilang sina Dara (Vina Morales), Charice (Tina Paner), Monica (Roselle Nava), at Minchie (Manilyn Reynes).
Mapapanood ang Born To Shine tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, patuloy na subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Related content: Stars shine behind the scenes of the 'Born To Shine' pictorial