GMA Logo Smokey Manaloto and Manilyn Reynes as Perry and Minchie on Born to Shine
Source: Born to Shine
What's on TV

Born to Shine: Perry, lubos na nasaktan sa rebelasyon ni Minchie

By Kristian Eric Javier
Published June 2, 2026 7:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ubang Bahin sa Nasud, Uwanon | Balitang Bisdak
DILG: Quick response saves 19 persons from ravine accident in Laguna
Gabbi Garcia and her mom share make-up tips in local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Smokey Manaloto and Manilyn Reynes as Perry and Minchie on Born to Shine


Labis na sakit ang naramdaman ni Perry sa ginawa ng asawang si Minchie sa 'Born to Shine.' Magbago kaya ang relasyon nilang dalawa?

Lubos na nasaktan si Perry (Smokey Manaloto) sa mga rebelasyon ni Amelia (Tessie Tomas) tungkol sa relasyon noon ng asawa niyang si Minchie (Manilyn Reynes) at kabanda nilang si Dio (Rayver Cruz) sa Born to Shine.

Sa episode nitong Sabado, May 30, narinig ni Perry ang komprontasyon sa pagitan nina Amelia at Minchie kung saan ibinulgar ng una ang plano sana nina Dio at Minchie na iwan ang kani-kanilang mga pamilya para magsama.

Pag-alis ni Amelia, kinompronta kaagad ni Perry si Minchie at nakumpirma nitong totoo ang mga sinabi nito.

Ikinuwento ni Minchie na inalok siya noon ni Dio na umalis, magpakalayo-layo, at iwanan ang kani-kanilang mga pamilya. At ayon kay Minchie, nadala siya sa alok ni Dio at nagpunta siya sa tagpuan sana nila. Ngunit hindi nagtagal, umalis din si Minchie at bumalik kina Perry at Jeni (Zephanie).

Ngunit sa nakikita ni Perry, pinili lang siya ni Minchie dahil hindi dumating si Dio at kalaunan, pumanaw rin ito. Aminado rin siya na alam niyang kulang siya para kay Minchie at maaaring hindi siya sasapat para sa kanya, pero pinilit niyang mahalin ang kaniyang asawa.

Dahil sa sakit, nagpunta si Perry sa bar ni Charice (Tina Paner) para uminom at maglasing, habang pinapayuhan naman siya ng kaibigan na kalimutan na ang lahat at mag-move on.

Sa kalasingan ni Perry, inamin niya sa isang regular customer nina Charice na umasa lang siya na tatanggapin at mamahalin siya ni Minchie. Ngunit ayon sa kanyia, ang pinakamasakit pa rin ay kung gaano kadali para kay Minchie.

Ngunit sa kabila nito, mahal pa rin daw ni Perry ang kaniyang asawa at hindi siya magsasawa rito, bagay na narinig ito ni Minchie.

Naiuwi naman ni Minchie ang asawa sa kabila ng kalasingan at habang tulog ito, humingi siya ng tawad kay Perry.

Sa episode ngayong Martes, June 2, muling humingi ng tawad si Minchie at sinuyo ang asawa. Dito, sinabi niyang hindi niya kakayanin kung hindi si Perry ang makakasama at makakatuwang niya sa buhay.

Ngunit hindi pa handang magpatawad ni Perry dahil hindi umano biro ang sakit na ipinaramdam sa kaniya. Pero sa huli, nanaig pa rin kay Perry ang pagmamahal niya para kay Minchie at nagkabati na rin sila.

Paano kaya mababago ang relasyon sa pagitan nina Perry at Minchie dahil sa mga pangyayari? At ano pa kaya ang mga sikretong mabubulgar sa pamilya nila?

Subaybayan ang kwento ng pag-abot sa pangarap sa Born to Shine, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso stream.

KILALANIN ANG CAST NG BORN TO SHINE SA GALLERY NA ITO: