
Nagtagumpay ang YUMI sa Gawad Musica Awards sa Born to Shine! Ngunit sa kanila nga ba ang panalong ito?
Kamakailan lang ay naimbitahan ang YUMI - kinabibilangan nina Jeni (Zephanie), Megan (Olive May), Alfea (Naya Ambi), Yuna (Mitzi Josh), at Nancy (Gaea Mischa) - sa Gawad Musica Awards hindi lang para magtanghal, kundi mabigyan ng pagkakataon na mapangaralan bilang P-Pop Girl Group of the Year.
Naimbitahan din ang NIXI - kinabibilangan nina Kendall (AC Bonifacio), Gabby (Chloe Redondo), Tiffany (Aliyah de Gracia) at Lexi (Golden Cañedo) - na isa sa mga makakalaban nila para sa parehong award.
Sa stage, sinimulan na ni Akira ng BGYO ianunsyo ang nanalo at makikita na NIXI dapat ang makakakuha ng award. Ngunit bago pa nasabi ni Akira ang pangalan ng grupo nila, kinuha na ng kasama niyang presenter ang card at sinabi nitong YUMI ang nagwagi.
Lubos naman ang saya ng YUMI sa kanilang pagkapanalo at malugod na tinanggap ang award, bago nagpasalamat sa lahat ng sumusuporta sa kanila. Pinasalamatan din nila ang kanilang handler na si Ate Ging (Riel Lomadilla) at boss na si Elvis (Nyoy Volante) ng Hilaga Records.
Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, may kababalaghang ginawa si Vanna (Sheryl Cruz) sa resulta ng mga nanalo. Bago pa kasi magsimula ang awarding, makikita si Vanna sa backstage na tinitingnan ang mga resulta ng Gawad Musica Award.
Hindi naman nakita kung ano talaga ang ginawa ni Vanna, ngunit ang netizens, may iba't ibang haka-haka tungkol sa pinaplano ng dating coach ng YUMI.
Saan nga ba hahantong ang planong ito ni Vanna at paano maaapektuhan ang YUMI at NIXI sa pangyayaring ito? Abangan sa Born to Shine, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream. Mapapanood din ang musical drama series sa GMA Play.
BALIKAN ANG MGA NAGANAP SA MALL SHOW AT SECOND ALBUM LAUNCH NG 'BORN TO SHINE' SA GALLERY NA ITO: