
Sa pamamaalam ni Nate (Michael Sager) kay Jeni (Zephanie), isang tao naman ang magbabalik sa kaniyang buhay, ang lola niyang si Amelia (Tessie Tomas). Subaybayan ang paglisan at pagbabalik ng mga importanteng tao sa buhay ni Jeni.
Abangan ang pagningning ng bituing matagal nang kinukubli sa 'Born to Shine,' Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.