
Bilang isa sa mga beteranang aktres ng industriya ngayon, marami nang nakatrabahong henerasyon ng mga artista ang Born to Shine star na si Tessie Tomas. At sa kaniyang bagong serye, katrabaho naman niya ang ilan sa Gen Z stars.
Sa Fast Talk with Boy Abunda kasama ang co-star na si Vina Morales, ibinahagi ni Tessie ang kanyang karanasan na katrabaho ang mga bagong henerasyon ng aktor at sinagot ang tanong ni King of Talk Boy Abunda kung nahirapan ba siya sa mga ito.
Sagot ni Tessie, “Baka sila ang nahirapan sa 'kin kasi nga siguro naabutan sila ng nerbyos kasi lalo kontrabida ako.”
Ngunit kahit maaaring takot ang Gen Z stars sa kaniya, may ilan pa rin na humihingi ng payo kay Tessie pagdating sa pag-arte, katulad na lang ni Olive May, na gumaganap bilang apo niya na si Megan.
Isang payo naman na maituturing ni Tessie bilang best advice na naibigay niya, “Give it more intensity.”
Nakita naman daw ni Tessie ang malaking improvement kay Olive pagkatapos niyang bigyan ito ng payo, lalo na at madalas silang magkaeksena.
Samantala, pagbabahagi naman ni Vina, hindi nila inasahan ang pagiging funny ni Tessie sa set, lalo na at beteranang aktres na ito at first time makatrabaho ng young stars. Sa katunayan, may nakakatawang kwento pa nga ang singer-actress tungkol sa Gen Z stars at kay Tessie.
“Siyempre 'yung mga NIXI, 'yung of course YUMI na nakakaeksena namin most of the time which is si Olive May, si Zeph, 'yung mga 'yun. Parang alam mo 'yung naka-tiptoe lahat kasi baka mapagalitan sila. 'Teka muna! 'Yung blocking mo, ha, baka mali,'” sabi ni Vina.
Ngunit sa kabila ng takot na ito ng Gen Z stars, sabi ni Vina ay napakakalog talaga ni Tessie off cam, bagay na lalong nakakapagpagaan sa kanilang set.
TINGNAN ANG BEACH FITS NG GEN Z BEAUTIES SA GALLERY NA ITO:
Pinuri din ni Tessie ang co-star at sianbing gustong-gusto niya ito bilang tent mate lalo na at malaki ang paghanga niya kay Vina.
“I just have to say it publicly, sobrang idol ko siya, kasi lagi ko siyang kasama dahil lagi kaming magkaeksena, masipag. Basa ng basa ng script, memorize ng memorize ng mga lines. Tapos hindi 'yan matutulog 'pag lunch break, minsan galing pa sa abroad. Ang lakas ng energy niya,” sabi ni Tessie.
Panoorin ang panayam kay Tessie rito: