
Nagsisimula pa lang ang P-Pop group na YUMI sa Born to Shine, tila may paparating na silang kakompetensya na susubok sa kanilang kakayahan bilang isang grupo.
Kamakailan lang ay inilunsad na ang YUMI bilang pinakabagong P-Pop girl group. Binubuo ito nina Jeni (Zephanie), Megan (Olive May), Yuna (Mitzi Josh), Nancy (Gaea Mischa), at Alfea (Naya Ambi).
Kasabay nito ay ang paglabas ng ilang issue tungkol sa grupo, kabilang na ang away ng mga magulang nina Jeni at Megan na sina Minchie (Manilyn Reynes) at Dara (Vina Morales). Ngayon, maaaring may bagong kakaharapin na pagsubok ang grupo sa pagdating ng isang boy group.
Sa isang recent teaser ng GMA Network, makikita ang silhouette ng limang kalalakihan na mapapanood sa GMA Afternoon Prime musical drama series soon. Sa teaser, inilarawan ang mga ito bilang “boys,” “guwapo,” “young,” at “over sa talent.”
“Huy! May paparating ngayong Mayo!” caption sa post.
Isang bagong grupo ba ito na makakaharap at magiging karibal ng YUMI, o bagong mga kaibigan na tutulong sa kanila?
Abangan sa Born to Shine, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso stream.
SAMANTALA, BALIKAN ANG BEHIND-THE-SCENES HIGLIGHTS NG ALBUM LAUCHING NG 'BORN TO SHINE' SA GALLERY NA ITO: