
Isa sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 housemates na talaga namang nakatatanggap ng all-out support mula sa kanilang pamilya sa outside world ay si Joaquin Arce.
Related gallery: Meet the housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0
Sa kanilang caroling task para mas maramdaman sa Bahay Ni Kuya ang Christmas season, kabilang ang pamilya ni Joaquin sa mga naglaan ng oras at nagpakita ng suporta.
Nasorpresa ang Star Magic artist nang makita niya sa screen na ang isa sa requests ay nanggaling mismo sa kanyang parents na sina Neil at Sunshine, Lola JLo, at stepmom na si Angel Locsin.
Si Neil ang humarap kay Kuya ngunit boses naman ni Angel ang narinig ng housemates.
Sabi ni Angel, “Hi, ang request po namin ay isang Joy to the World, isang Silent Night, at saka dalawang original song. Galing po ito kay JLo, kay Sunshine, kay Angel, at kay Neil.”
Reaksyon ni Joaquin sa mga ito, “Natuwa po talaga ko na sinusuportahan nila ako and gumaan po talaga 'yung loob ko. Pero on top of that, sobrang na-overwhelm ako na 'Wow, pinapanood ako ng pamilya ko, ng mga importanteng tao po [para sa akin].'”
Samantala, patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream.
Samantala, bilang isa sa mga nakatutok sa teleserye ng totoong buhay, sino sa male at female housemates ang gusto mong maging big winner ngayong season?
Sagutan ang polls sa ibaba: