
Isang young Kapuso love team ang magpapahiram ng kanilang boses sa bagong season ng higanteng anime phenomenon.
Tampok ang SoWill tandem na sina Sofia Pablo at Will Ashley, bilang celebrity dubbers sa Pokemon XYZ.
Si Will ang magiging boses ng karakter ni Ash, isang Pokemon trainer. Si Sofia naman ang boses ni Serena, ang kababata ni Ash at kasama niya sa paglalakbay sa Kalos.
Ang Pokemon XYZ ang 19th season ng hit anime series. Unang umere ang Pokemon sa Pilipinas noong 1999 sa GMA at ngayong taon ang kanyang 20th Philippine TV anniversary.
Tutukan ang Pokemon XYZ, Monday to Friday pagkatapos ng Unang Hirit sa nangungunang GMA Astig Authority.