GMA Logo boss toyo as raket man
Courtesy: Raketman on Facebook
What's Hot

Boss Toyo, ipinakikilala ang bagong superhero na si Raket Man

Published December 17, 2025 10:02 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos rejects PH label as ‘ISIS training hotspot’
EXO Chen announces Manila concert in 2026
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

boss toyo as raket man


Boss Toyo sa bagong online superhero series na 'Raket Man': “Entertainment with good moral values.”

Isang bagong lokal na superhero ang ipinakikilala ni Boss Toyo, si Raket Man, na kanyang gagampanan sa online series na siya ring lumikha.

Sa isang panayam, ibinahagi ng content creator at producer ang kuwento sa likod ng proyektong hugot sa tunay na buhay at karanasan ng karaniwang Pinoy.

Ayon kay Boss Toyo, umiikot ang istorya ng Raket Man sa isang tipikal na Pilipino na marunong dumiskarte para mabuhay.

“Tungkol ito sa typical na Pilipino na katulad natin na mahilig rumaket. Pag sinabing raket, diskarte sa buhay at trabaho para kumita,” paliwanag niya.

Mula sa pagiging ordinaryong mamamayan, magkakaroon ng kakaibang kapangyarihan ang kanyang karakter dahil, ani Boss Toyo, mabuti rin siyang tao at mahilig tumulong, nabigyan siya ng super power, hanggang tinawag ko yung sarili niya na Raket Man.”

Hindi lang daw aliw ang layunin ng series, kundi pati makabuluhang mensahe.

“Marami dito ang makaka-relate, lalo na yung mga nagtatrabaho, may family values at tumutulong sa kapwa. Bawat Pilipino ay makaka-relate sa series na ito.”

Related gallery: Pinoy superheroes at ang mga gumanap sa kanila

Ibinahagi rin ni Boss Toyo na inspirasyon niya ang mga klasikong Pinoy superheroes.

Paliwanag niya, “Alam naman natin, dati andiyan sila Lastikman, Darna, Panday—pero parang matagal nang walang bagong superhero na lumalabas, Kaya naisip ko, 'Bakit hindi ako gumawa ng bagong mamahalin ng Pinoy?'”

Makakasama ni Boss Toyo sa Raket Man ang iba't ibang social media personalities, kabilang ang kanyang asawa na si Joy, pati sina Princess Tan, Princess Loreto, Kiko Mato, Mami Gangster, Maria Tings, at marami pang iba.

Si Boss Toyo mismo ang gumawa ng kuwento ng series., habang ang script ay isinulat ni Rodfield ng Muy Muy Palaboy. Co-director niya sa proyektong ito si Brian Kierdyne at editor si Louie Ong.

Sa ngayon, wala pa raw plano para sa theatrical release ng Raket Man. “Testing the waters pa lang ito, sinusubukan ko lang muna,” sabi ni Boss Toyo.

Gayunman, may malaki nang plano ang producer online series. “Hindi lang ito season 1, kasi naka-plot na ito hanggang season 5,” lahad niya.

Bukod sa pagiging producer ng Raket Man, kilala rin Boss Toyo bilang isang kolektor.

Tingnan ang showbiz-related items na nakolekta niya rito: