
Kailangan na ihanda ng mga Filipino pageant fans at followers ang kanilang mga social media accounts dahil inanunsyo na ng MGI All Stars ang simula ng botohan para sa international pageant.
Nag-upload ang Miss Grand International organization ng mga graphics sa kanilang opisyal na Instagram account kung saan featured ang mga mukha ng mga kandidata nitong taon, kasama ang mga instruction kung paano bumoto sa caption ng mga posts. Ang tatlong kandidata na makakakuha ng pinakamataas na boto mula sa Facebook at Instagram ay ibibida sa Finale sa “Welcome All the Stars to Bangkok” event sa Mayo 20.
Ang mga pambato ng Pilipinas sa pageant ay sila Kapuso star Gazini Ganados, at mga pageant veterans Imelda Schewighart, Keylyn Trajano, Alexia Nuñez, and Fuschia Anne Ravena.
Iba-iba ang naging mga journey ng mga Philippine representatives sa MGI All Stars. Sa isang interview with GMA Lifestyle, sinabi ni Gazini na sumali siya sa kompetisyon bilang isang healed and evolved person.
“The past year has allowed me to grow and heal and understand myself beyond the titles, beyond the glitz and glam,” paliwanag niya. “I am ready to represent myself, my identity, with intention, and that is as a Filipina-Palestinian, who is still experiencing the gravity of the war in Palestine.”
Si Keylyn Trajano naman ay nagkaroon ng crowning and sashing ceremony noong Marso sa Hotel 101 Manila sa Pasay City.
Sa caption sa Instagram post na nag-announce ng ceremony, inilarawan ito ng organisasyon bilang “the beginning of a powerful story—one fueled by passion, perseverance, and the unwavering support of those who believe in her.” Inilarawan din si Keylyn bilang huwaran ng isang “modern queen.”
Naglabas din ng official portrait ni Keylyn nitong nakaraang buwan.
Samantala, naging parte ng MGI All Stars si Imelda Schweighart pagkatapos siyang matanggal mula sa Miss Universe Philippines pageant. Bagama't hindi diretsong pinangalanan sa Instagram post ng Miss Universe Philippines, sinabi sa statement na merong “certain behaviors” si Imelda na sinbukan nang gabayan ng organisasyon to “address the situation”.
Ini-launch ng Miss Grand International organization ang MGI All Stars noong Disyembre ng nakaraang taon. Ayon sa organisasyon, "every queen who dares to return to the spotlight, no matter which stage in the world you once called home" ay maaaring lumahok. “When dreams rise beyond limits, a new chapter begins” din ang caption ng teaser.
Ayon sa organisasyon, bukas ang pageant sa cisgender and transgender women, aged 20 to 40, na lumahok na sa isang international beauty pageant. Ang premyo sa pageant ay US$100,000 hanggang US$1,000,000.