
Mula sa pagpapatawa sa harap ng kamera, pinatunayan na rin ni Boy 2 Quizon na kaya niyang lumikha ng comedy projects sa pamamagitan ng Home Along Da Riles Da Reunion movie.
Sa naturang pelikula, na mapapanood na sa mga sinehan ngayong linggo, hindi lang aktor si Boy 2 kundi siya rin ang direktor at isa sa mga producer nito.
“Masaya na may halong... Of course, masaya dahil nabuo na namin yung pamilya Cosme. Pero yung buong process, siyempre, nagkaroon din ng stages. Malungkot dahil marami na din kaming mga kasama [noon] na wala na.
“Of course, tatanungin niyo ako kung na-pressure ako, oo, sobra. Siyempre, if you're working on something na minahal ng mga tao, kasama yan,” sabi ni Boy 2 nang makapanayam siya ng GMANetwork.com at iba pang entertainment media sa press conference ng pelikula kamakailan.
Sa ginanap na premiere night nito noong Lunes, June 15, umani ito ng mga papuri mula sa mga manonood dahil kuhang-kuha umano nito ang 90s style comedy ng programang pinagbidahan noon ng yumaong Philippine Comedy King na si Dolphy.
Ayon kay Boy 2, hindi naging madali para sa kanya ang tatlong role niya sa pelikula.
Pero aniya, “Parang ang naging motivation ko naman is yung legacy, and to honor everyone who became part of it.
“'Tapos, surreal lang kasi dati, isa lang ako dun sa mga batang makukulit. Tapos ngayon, ako na yung nag-a-action. May pagkakataon na nakakahilo. Nahilo din ako sa pagdidirek kasi minsan nakakalimutan ko na actor din ako.”
Malaki ang pasasalamat ng dating Bubble Gang star sa kanyang mga kasamahan sa pelikula, na kasama rin niya noon sa programa.
Kabilang dito ang anak ni Dolphy na si Vandolph, na kanyang tiyuhin at co-producer sa pelikula.
Kuwento ni Boy 2, “Natuwa ako kasi naging madali for me dahil sa support system namin. Iba yung support system namin. Pamilya talaga.
“It was actually Vandolph who pushed me na ako magdirek. Nung una kasi I didn't want to direct. Actually, ang unang option ko was to talk to Eric [Quizon, older brother of Vandolph]. Nung time na yun kasi gusto ko sana siya. Kasi nga, mahirap na i-produce. Mahirap na yung role na yun from end to end. So, I wanted to focus on something, especially na magiging partner ako
“Si Vandolph talaga at si Maybe [Maybelyn dela Cruz, co-actor] ang nag-push sa akin, so it wouldn't feel different. Kailangan may isang nakakaalala talaga kung sino tayo.”
Bukod sa pananatili ng istilo ng dating programa, naging hamon din sa producers na muling mapagsama-sama ang mga aktor nito.
“Yung magiging process nito, it wouldn't be easy. Kasi, unang-una, hindi naman ito mama-mount kung hindi kami-kami.
“Of course, para lang magawa ko siya nang madali, kailangan ko i-collaborate with the cast. Including, ano na ba yung representation ng character mo? Ano yung gusto mo ipakita ngayon? Yung kuwento natin ngayon. Paano natin ikukuwento yun?
“So, without them, it wouldn't really be easy. Feeling ko naman naging patient naman sila,” lahad ng actor-director.
Related gallery: Claudine Barretto, Boy2 Quizon, Vandolph, ibinahagi ang natutunan nila
kay Dolphy
Samantala, bagamat wala na ang kanilang Tatay Dolphy, nanatili naman daw ang kanyang presensya sa bawat aktor na bahagi ng pelikula.
“Every time we're together, meron isang killer magic na naroon. It's because lumalabas yung tatay sa amin. Yun yung totoo.
“At yung movie na ito, like yung sabi ko nga kanina, tribute ito. Wala kaming papalitan.
“It's actually parang pangangamusta siya sa lahat ng mga batang noon na nanonood ng Home Along Da Riles.
“Yung feeling na yun na nami-miss nila, maaaring nami-miss din nila yung mga kasama nila noong panahon na yun.
“Masaya kami na naging parte ulit nito at nabuo namin ulit yung buong cast.”
Panoorin ang panayam nina Boy 2, Claudine Barretto, at Vandolph sa Fast Talk With Boy Abunda: