GMA Logo Boy Abunda
Photo by: therealboyabunda FB
What's Hot

Boy Abunda at ang kanyang mga programa, wagi sa PMPC Star Awards for Television

By Kristine Kang
Published March 18, 2025 11:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DOT, GCash eyeing partnership for easier transactions for tourists
Student found dead with 10 stab wounds in CDO
Farm To Table: Early Noche Buena kasama ang mga Tiktropa

Article Inside Page


Showbiz News

Boy Abunda


Kinilala si Boy Abunda at ang kanyang mga programa sa 38th PMPC Star Awards for Television, kabilang ang 'My Mother, My Story.'

Labis ang pasasalamat ng King of Talk na si Boy Abunda sa lahat ng parangal na iginawad sa kanya sa 38th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Television.

Sa kanyang anunsyo nitong Lunes (March 17), masayang ibinahagi ni Tito Boy ang pagkapanalo ng tatlong programa niya sa iba't ibang kategorya.

Ginawaran ng Best Showbiz Oriented Talk Show ang afternoon program na Fast Talk with Boy Abunda. Habang siya mismo ay nagwagi bilang Best Celebrity Talk Show Host para sa TV special na My Mother, My Story. Ang limited series ay nakatanggap din ng parangal bilang Best Celebrity Talk Show.

Samantala, itinanghal namang Best Public Affairs Program ang Cayetano In Action With Boy Abunda, kung saan kinilala rin bilang Best Public Affairs Program Hosts sina Tito Boy, Alan Peter Cayetano, at Pia Cayetano.

"Maraming, maraming salamat po sa Philippine Movie Press Club," taos-pusong pasasalamat ni Tito Boy.

Ang PMPC Star Awards for Television ay isang annual event na nagbibigay ng parangal sa mga natatanging programa at personalidad sa telebisyon, kabilang ang drama, comedy, talk shows, documentaries, lifestyle, educational, at game shows.

Gaganapin ang engrandeng gabi ng parangal ngayong Linggo, March 23, sa Dolphy Theater, Quezon City.

Samantala, kilalanin pa si Boy Abunda sa gallery na ito: