
Hinangaan ni Boy Abunda ang Pinoy athlete na si EJ Obiena dahil sa pagiging matapat nito sa panayam ng una para sa My Mother, My Story, na ipalalabas ngayong Linggo, September 29.
“We talked about his relationship with his mother and he's so fascinatingly honest. May mga pagkakapareho, may mga pagkakaiba,” sabi ni Boy nang makausap niya ang ilang piling entertainment media, kabilang na ang GMANetwork.com, kamakailan.
Sa naturang episode, naging bukas daw si EJ Obiena tungkol sa nakaraang kontrobersiyang kinaharap niya, na naging dahilan ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila ng kanyang ina.
“It's a done deal, na-resolve na 'yan. Pero there are a couple of points that are very telling about EJ. Sinabi niya na hindi siya makalaban nang husto dahil doon nagtratrabaho ang nanay niya,” kuwento ni Boy.
Dahil daw isyung ito, na inilaban ni EJ hanggang sa huli, makikita ang isa sa mga karakter ng 38-year-old athlete, “He's very unaffected. Sabi ng nanay niya, 'Ang namana sa akin ng anak ko ay ang pagiging matimpiin at mabait, pero kapag sinasagad, bumibigay din.' Then, I asked EJ, 'Ganun ka rin?' Sabi niya, 'Oo.' And the mother has an ugali na, Hangga't di ko kailangan, hindi ko sasabihin sa 'yo. We'll solve it our way. Ganun din si EJ to a certain extent.”
Napansin din daw ni Boy na bagamat kilalang atleta na ngayon si EJ, nananatiling mapagkumbaba ang kanyang ina.
Base raw sa kanyang obserbasyon, “Yung nanay has that quiet dignity and strength. Alam mo 'yon, she's there and present. Like, sa Fast Talk, she was there but hindi mo alam na siya. Aalalayan yung anak, dadalhin yung tubig. Athlete na athlete, no fuss. She's present but you barely know who she is. She doesn't like her presence to be known like, 'Ako ang…' I had to ask, 'Sino yung mommy ni EJ?'”
Bukod sa kanyang ina, binigyang-pansin din ni Boy ang magandang relasyon ni EJ sa kanyang pamilya.
Ito raw ang isa sa mga katangian ng atleta na naka-relate ang batikang TV host.
Aniya, “Yung relasyon niya sa nanay niya, siyempre, yung relasyon niya sa pamilya niya as a whole--yung tatay, yung nanay, yung kapatid, at lola. Naka-connect ako dun, naka-relate ako sa kanya kasi napakakumportable niya around the women of his life.”
Ilan lamang ito sa mga dapat bagong episode ng My Mother, My Story, tampok mag-inang EJ at Jeanette Obiena, ngayong Linggo, September 29.
Tingnan ang ilang behind-the-scenes photos ng panayam nila rito: