GMA Logo Boy Abunda and Bimby Aquino Yap
What's on TV

Boy Abunda, inaming ine-'explore' na ang posibleng pagpasok ni Bimby Aquino sa showbiz

By Jimboy Napoles
Published July 6, 2023 4:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

AiAi Delas Alas sells wedding, engagement rings to Boss Toyo: ‘Para may closure na rin’
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Boy Abunda and Bimby Aquino Yap


Papasok na nga ba sa mundo ng showbiz ang anak ni Kris Aquino at James Yap?

Nilinaw ng batikang TV host na si Boy Abunda ang kuwento sa likod ng usap-usapang larawan nila ni Bimby Aquino Yap kasama ang ilang executives ng Cornerstone Entertainment kamakailan.

Sa July 5 episode ng Fast Talk with Boy Abunda, inamin ni Boy na siya mismo ang nag-host ng private dinner na ito kung saan sila ay nagkaroon ng “exploratory meeting” para sa posibleng maging takbo ng showbiz career ni Bimby.

Kuwento ni Boy, “Doon sa pag-uusap namin, we were trying to explore kung ano ang mga puwedeng mangyari, the possibilities. Puwede bang mag-artista si Bimb, ano ba ang aming gagawin? But it was more of an exploratory meeting.”

A post shared by Cornerstone Entertainment Inc (@cornerstone)

“The Cornerstone fam with Bimb. Exciting days are truly ahead for the young star!” caption naman sa post ng nasabing talent management.

Ayon pa kay Boy, siya ang tumayong guardian ni Bimby sa naturang pagpupulong at may basbas ito mismo ni Kris Aquino, ang ina ng binata.

Sinabi naman ni Boy na magbibigay siya ng update sa development ng nasabing pag-uusap.

“Kung may developments po ang kuwentong ito ay ibabahagi ko po sa inyo,” ani Boy.

Sa ngayon ay magkasama na muli sina Bimby at ang inang si Kris sa Amerika habang puspusan pa rin ang pagpapagamot ng huli sa kaniyang pinagdaraanang sakit.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN ANG GROWN UP PHOTOS NI BIMBY SA GALLERY NA ITO: