GMA Logo boy abunda in battle of the judges
What's on TV

Boy Abunda, isa sa mga hurado sa 'Battle of the Judges'

By Jansen Ramos
Published May 23, 2023 12:10 PM PHT
Updated June 21, 2023 1:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kenneth Llover stops Chinese foe, retains OPBF crown
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

boy abunda in battle of the judges


Marunong kumilatis ng talento ang King of Talk na si Boy Abunda kaya naman asahan na kaya niyang ilaban ang kanyang mga pambato sa ultimate talent competition ng taon na 'Battle of the Judges.'

Pinangalanan na ang unang hurado sa ultimate talent competition ng taon na Battle of the Judges na malapit nang mapapanood sa GMA.

Sa bagong teaser na inilabas ng programa noong Lunes, May 22, ini-reveal dito na kabilang ang King of Talk na si Boy Abunda sa apat na judges.

Ready for the battle na ang isa sa mga respetado at pinagkakatiwalaang icon sa Philippine entertainment na nagpasikat sa maraming personalidad ngayon sa showbiz.

Marunong kumilatis ng talento ang King of Talk kaya naman asahan na kaya niyang ilaban ang kanyang mga pambato sa Battle of the Judges.

Bukod kay Tito Boy, inaabangan na rin kung sino pa ang tatlong hurado na magiging parte ng Battle of the Judges.

Nagbalik-GMA si Boy Abunda noong December 2022 nang pumirma siya ng kontrata sa Kapuso network.

Kasalukuyan siyang host ng multi-platform showbiz news and talk show tuwing hapon na Fast Talk with Boy Abunda.

TINGNAN ANG HOMECOMING NI BOY ABUNDA SA GMA: