What's on TV

Boy Abunda, may handog na TV special ngayong Mother's Day

By Kristine Kang
Published April 29, 2024 3:11 PM PHT
Updated May 8, 2024 6:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

My Mother, My Story


Magkakaroon ng TV special si Boy Abunda ngayong May.

Magiging extra special ang Mother's Day ngayong taon dahil handog ng Kapuso Network ang isang TV special para sa ating mga ina.

Simula ngayong May 12, Linggo, 3:15 p.m. - 4:15 p.m., mapapanood na ang monthly talk show special na pangungunahan ni King of Talk, Boy Abunda - ang My Mother, My Story.

Tatalakayin sa programa ang real-life stories ng mga kilalang celebrities na iikot sa kung paano sila hinubog ng kanilang mga ina.

Mas malalim at mas personal na interview ni Boy Abunda ang ating mapapanood kung saan pag-uusapan ang mga karanasan na may kinalaman sa relasyon ng celebrities sa kanilang mga ina na nagkaroon ng malaking epekto sa kanilang buhay.

Ang My Mother, My Story ay konsepto na binuo mismo ni Boy Abunda. Maituturing itong isang love letter ng King of Talk para sa kanyang pinakamamahal na ina na siyang nagturo sa kanya kung paano magmahal, mag-isip, at makitungo sa kapwa.

Asahan na magiging puno ito ng inspirasyon, aral, emosyon, at pagmamahal na sasalamin sa ating buhay bilang mga anak ng ating ina.

Sino ka nang dahil sa iyong ina? Abangan ang My Mother, My Story simula ngayong May 12, tuwing Linggo, 3:15 p.m. - 4:15 p.m. sa GMA.