
Maraming kontrobersiya ang naganap sa Miss Universe Philippines 2026 coronation night, kabilang na ang technical difficulties na hinarap ng young host at The Secrets of Hotel 88 star Ralph de Leon.
Matatandaan na nang sumalang ang aktor ay hindi gumagana ang kaniyang mikropono at paulit-ulit niyang sinabi ang kaniyang linya.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, April 7, binalikan nina King of Talk Boy Abunda at Miss Universe Philippines 2026 Bea Millan-Windorski ang nangyari. Pagbabahagi ng bagong reyna, galing sa stage, nakita nila ang mga reaksyon ng miyembro ng organisasyon, kabilang na ang sa may-ari na si Jonas Gaffud.
“We also saw some reactions from Miss Universe Philippines Organization as well, and I just wanted to say, from my vantage point on stage, I saw that Mama J threw his phone on the table,” sabi ni Bea.
Ayon kay Boy, normal lang naman ang reaksyon ni Jonas bilang CEO ng organisasyon dahil sa problema at technical difficulties na naranasan nila.
Ngunit kahit ganoon, ang mensahe ng batikang host kay Ralph, “But to Ralph, if you're watching, do not allow that experience to define your capabilities as a host.”
TINGNAN ANG ILAN SA MGA SUAVE FITS AND POGI LOOKS NI RALPH DE LEON SA GALLERY NA ITO:
Nagbigay rin ng payo si Boy sa mga aspiring host, na kung magkaroon man ng technical problems, hindi iyon para iresolba ng host, kundi ng production at ng tech people sa likod nito.
Sa huli, sinabi ni Boy, “I hope it doesn't discourage Ralph from going and pursuing a hosting career.”
Ngunit tila hindi naman masyadong nagpaapekto ang aktor sa nangyari sa Miss Universe Philippines. Sa katunayan, game pa nga siya na sinagot ang meme ng kilalang social media personality na si Senyora.
Panoorin ang panayam kay Bea rito: