
Kapuso pa rin ang King of Talk na si Boy Abunda matapos siyang muling pumirma ng kontrata sa GMA Network ngayong Lunes, February 12.
Ginanap ang contract renewal signing ni Boy kasama ang ilang GMA officials kabilang sina GMA Network Chairman Atty. Felipe L. Gozon, President and CEO Gilberto R. Duavit Jr., Executive Vice President and CFO Felipe S. Yalong, Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable.
Photo shows from left: Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, President and CEO Gilberto R. Duavit Jr., GMA Network Chairman Atty. Felipe L. Gozon, Executive Vice President and CFO Felipe S. Yalong.
Ayon kay Boy, marami siyang natutunan sa kanyang pagbabalik sa GMA at nagpapasalamat siya sa patuloy na pag-suporta sa kanya ng Kapuso Network.
“Maraming salamat. Ito'y nangangahulugan lamang na patuloy ang tiwala, patuloy ang suporta, patuloy ang… this belief na in all the things that I can do and all the things that I cannot,” ani Boy.
Noong December 15, 2022 nang magbalik sa GMA si Boy matapos ang mahigit dalawang dekada. January 2023 naman sinimulan ang kanyang talk show sa GMA na Fast Talk with Boy Abunda kung saan muli niyang nakatrabaho ang mga dati niyang kaibigan noong nagsisimula pa lamang siya sa industriya.
Kaya naman thankful din si Boy dahil sa pagkakataon na ibinigay sa kanya upang muling makasama ang mga kaibigan na itinuring niyang pamilya.
Aniya, “Itong pagkakataon na ito na ibinigay ninyo sa akin na bumalik dito sa GMA-7 at ang makatrabaho ang isang community of production, creatives, technical people na napakahuhusay at napakasaya. Araw-araw I go to the set because it is a happy place.
“It's a second home and ang sarap bumalik sa studio dahil masaya lamang kami and masayang magtrabaho.”
Dagdag pa niya, “[Thank you for] allowing me to rediscover all friends… also for allowing me to discover new talents, writers, researchers. Ako'y masaya po na nakatrabaho silang lahat. Ako po'y natutuwa sa aming samahan. So for allowing me to work with them again, maraming maraming salamat.”
Nangako naman si Boy na ipagpapatuloy niya ang kanyang trabaho bilang isang mahusay at respetadong TV at talk show host.
“It takes a village to be able to do a 20-minute talk show. I don't do this alone, I do this with a community of committed people. I will continue to do the show with gratitude and with love.”
RELATED GALLERY: Get to know the 'King of Talk' Boy Abunda