GMA Logo Nanette Medved Po Boy Abunda
What's on TV

Boy Abunda, nakatanggap ng espesyal na regalo mula kay Nanette Medved-Po

By Jimboy Napoles
Published October 26, 2023 6:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Nanette Medved Po Boy Abunda


Naging emosyonal si Boy Abunda nang makita ang dalang regalo ni Nanette Medved-Po para sa kaniya.

Hindi napigilan ni Boy Abunda na maging emosyonal dahil sa natanggap na regalo mula sa kaniyang kaibigan, dating aktres, at ngayon ay philanthropist na si Nanette Medved-Po.

Si Nanette ay ang isa sa mga bigating bisita ni Boy para sa kaniyang week-long birthday celebration sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong linggo.

Lingid sa kaalaman ng publiko, si Nanette ay ang Chairwoman ng HOPE, isang organisasyon na tumutulong na makapagpatayo ng mga classroom sa mga pampublikong paaralan lalo na sa mga rural area, at maging sa mga pangangailangan ng smallholder farmers.

Nang nagsisimula pa lamang noon si Nanette sa pagtatatag ng HOPE, isa si Boy sa kaniyang mga kaibigan na sumuporta sa kaniyang layunin.

RELATED GALLERY: Get to know the 'King of Talk' Boy Abunda

Isa sa mga naging kontribusyon noon ni Boy ay ang pagpapagawa ng isang classroom sa isang public school sa Laguna. Kasabay nito, nag-iwan si Boy dito ng isang watawat ng Pilipinas na magagamit ng mga estudyante roon.

“When we were there, you gave them a Philippine flag that they could hoist above the school because wala naman ata sila at that time na flag for the classroom,” ani Nanette kay Boy.

Ang hindi alam ni Boy, dala-dala ni Nanette ang nasabing Philippine flag upang ibalik sa kaniya bilang pasasalamat.

“I just want to let you know that this morning our team was actually at your school, at your classroom, and the very flag that you gave them 10 years ago they would like to give back to you. They would like to return it to you as a thank you for 10 years,” ani Nanette.

Nang ibigay ni Nanette ang nasabing bandila, hindi na napigilan ni Boy na maging emosyonal.

Kuwento pa ni Nanette, “I remember on that day, Boy was really emotional because he said, 'I get many gifts in my life but none is more meaningful than a Philippine flag. Because you are, if nothing, a patriot Boy.”

Ayon kay Boy, malapit sa kaniyang puso ang mga estudyante at classroom dahil isang public school teacher ang kaniyang ina noon.

Aniya, “Ganun ako ka-emosyonal dahil kapag classroom na ang pinag-uusapan, and being able to share what you're doing, is actually providing hope, providing classrooms for kids means so much to me in a very very personal way.”

Bukod sa nasabing Philippine flag, dala rin ni Nanette ang isang picture frame laman ang larawan ni Boy at ng kaniyang ina.

Pagbabahagi naman ni Nanette, bukod sa pagsuporta sa HOPE, maraming paraan upang makagawa ng mabuti sa mundo.

“Every day you make a choice and I think if you can just do one good thing, the world would be so much better for it,” ani Nanette.

Si Nanette ay bumida noon sa maraming pelikula gaya ng Darna, Hiram Na Mukha, Dito Sa Pitong Gatang, at marami pang iba.

Patuloy na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.