GMA Logo Chito Miranda Neri Naig and Boy Abunda
Source: Fast Talk gmanetwork/YT, chitomirandajr/IG
What's on TV

Boy Abunda, nanindigan na mabuting tao si Neri Naig

By Kristian Eric Javier
Published November 28, 2024 5:44 PM PHT
Updated November 28, 2024 6:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH Embassy in Thailand advice Filipinos to be cautious, vigilant
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Chito Miranda Neri Naig and Boy Abunda


Sa kabila ng kinasasangkutan nitong kaso, naninindigan ni Boy Abunda na mabuting tao si Neri Naig.

Patuloy na nanindigan si King of Talk Boy Abunda na mabuting tao ang dating aktres na si Neri Naig matapos siyang maaresto sa kasong paglabag sa Section 8 ng Republic Act No. 8799 na kilala rin bilang “Registration of Brokers, Dealers, Salesmen, and Associated Persons.”

Matatandaan na noong November 25 ay lumabas ang balitang inaresto umano si Neri Naig sa isang mall sa Pasay City at nakakulong ito ngayon sa Pasay City Jail para sa kasong syndicated estafa at 14 counts of violation sa section 28 ng Securities Regulation Code.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, November 27, ay nagbigay ng detalye ang batikang host na si Boy tungkol sa kasong kinasasangkutan ng dating aktres.

Salaysay ni Boy, “Ayon sa Southern Police District, may warrant of arrest si Neri dahil sa kasong syndicated estafa at 14 counts of violation sa section 28 ng Securities Regulation Code. Nakasaad sa section 28 na ipinagbabawal ang pagbebenta at pamimili ng investments securities. Ito 'yung mga stocks, bonds, interests, nang walang kaukulang registration mula sa SEC, Securities and Exchange Commision.”

Ngayong Huwebes, November 28, ay idiniin ni Boy ang kaniyang paninindigan na mabuting tao si Neri.

“Ako ay naninindigan na mabuting tao si Neri, masipag na nanay, at mabuting kapitbahay, kapitbahay ko po 'yan sa Tagaytay, and ito, personal knowledge ko po ito, napakabuting bata, napakabuting babae, napakabuting asawa,” sabi niya.

Ibinahagi rin ni Boy kung paano ipinagtanggol ng Parokya ni Edgar frontman at asawa ni Neri na si Chito Miranda ang asawa na sinabing wala diumanong natanggap na letter o subpoena o kahit anong notice para sa kaso.

Dito ay nagkomento rin ang dating Senador na si Kiko Pangilinan na tutulungan niya sina Neri at Chito na maresolba ang kinasasangkutan nitong kaso. At bilang isang manager, gustong linawin ng King of Talk ang tungkol sa ilang bagay pagdating sa kontrata ng isang endorser.

“Kapag endorser po kayo ng isang produkto, meron ho kami, sana nga e, they have to review the contract, meron ho kaming free and harmless clause na ibig sabihin ay hindi namin wina-warrant 'yung pakikipag-usap ng kompanya, ng produkto sa publiko. Ang amin lang naming pinanghahawakan ay kung ano ang sinasabi ng produkto sa amin ilang mga endorsers,” sabi niya.

BALIKAN ANG MGA TAGUMPAY NI NERI SA EDAD NA 40 SA GALLERY NA ITO:

Dagdag pa ni Boy ay kausap na niya ang ilang kaibigan niyang abugado at sinabi nilang maaaring mag-file ng petition for bail si Neri, kahit non-bailable ang kasong estafa na isinampa sa kaniya, para maibahagi naman ang kaniyang panig.

“Para masabi niya ang kaniyang kaso na weak ang ebidensya or they can file a motion to quash the information, ika nga,” sabi ng batikang host.

Sa huli ay sinabi ng King of Talk na may mga remedya pa ang kasong kinasasangkutan ni Neri at hiniling sa mga tao na patuloy lang na magdasal para sa aktres.