
Reunited ang King of Talk na si Boy Abunda sa multi-awarded actress na si Bea Alonzo ngayong Huwebes sa Fast Talk with Boy Abunda.
Sunod-sunod ang naging proyekto ni Bea sa GMA mula nang siya ay maging isang Kapuso. Sa katunayan, matapos ang successful primetime series na Start-Up Ph inanunsyo naman kamakailan na muli siyang nakatakdang gumawa ng isang teleserye kung saan makakatambal niya ang Kapuso actor na si Dennis Trillo.
Sa pagsalang ni Bea sa kaabang-abang na “The Talk” interview kasama ang batikang host na si Boy, ano-ano kaya ang kanilang mga pag-uusapan ngayong pareho na silang ganap na Kapuso? Ibahagi rin kaya ni Bea ang latest sa kanilang relationship ni Dominic Roque? 'Yan ang dapat abangan mamaya.
Ang Fast Talk with Boy Abunda ay ang pinakabagong multi-platform showbiz news and talk show kung saan isa-isang hihimayin ang mga pinakamaiinit na isyu sa showbiz at bibigyang pagkakataon ang celebrities na sumalang sa kaabang-abang na hot seat interviews.
Dahil sa laganap na ngayon ang fake news at unreliable sources online, layunin din ng programa na maging isang credible go-to source patungkol sa lahat ng mga kaganapan sa showbiz industry.
Mapapanood ang Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
SAMANTALA, SILIPIN ANG SEXIEST PHOTOS NI BEA ALONZO SA GALLERY NA ITO: