GMA Logo Boy Abunda
What's on TV

Boy Abunda sa pag-renew niya ng kontrata sa GMA: 'Tuloy-tuloy ang kuwentuhan'

By Kristian Eric Javier
Published February 20, 2025 6:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Boy Abunda


Para kay King of Talk Boy Abunda, tuloy-tuloy na kwentuhan sa mga Kapuso ang muling pagpirma niya sa GMA Network.

Masaya ang tinaguriang King of Talk na si Boy Abunda sa muling pagpirma niya ng kontrata sa GMA Network nitong Martes, February 18.

Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com, sinabi ni Boy na nakikita niya ang muling pagpirma niya ng kontrata sa network bilang pagpapatuloy ng kuwentuhan sa mga Kapuso, at kina nanay at tatay.

“Ang aking tingin sa aming trabaho ay bahagi kami ng pakikipagkwentuhan sa mga Kapuso, kina nanay, tatay, sa pamamagitan ng Fast Talk, sa pamamagitan ng pakikipagkwentuhan sa mga iba't ibang celebrities, mga artista na dumadalaw po sa aming programa,” saad ng batikang host.

Pagpapatuloy pa ni Boy, “Napakasaya dahil tuloy-tuloy nga ang kuwentuhang ito.”

Bukod sa muling pagpirma ni Boy ng kontrata sa GMA, ipinagdiriwang din ng kaniyang Afternoon Prime talk show na Fast Talk with Boy Abunda ang ikatlong anibersaryo nito. Aniya, lagi siyang excited para sa naturang show dahil kahit siya mismo ay hindi alam ang mangyayari dito.

“I always say exciting kasi hindi namin alam kung ano ang mangyayari. Du'n ako na-e-excite e. Alam mo [nang] bahagya kasi may format ka, pero bawat interview ay bagong karanasan, bawat interview is a challenge, really,” sabi ng batikang host.

Pagpapatuloy pa ni Boy, “It's 20 minutes but not knowing what's gonna happen really excites me. You can only prepare up to a certain point. Beyond that point, you are in God's hands.”

MAS KILALANIN PA SI BOY ABUNDA SA GALLERY NA ITO:

Ayon sa batikang host ay marami pa ang dapat abangan sa Fast Talk with Boy Abunda at pag-amin niya, “Malaking bagay du'n sa aabangan n'yo ay hindi ko alam.”

“But it should be more fun and ang gusto ko kasi sa team namin, depende kung sino ang kakausapin ko, 'Ano ba ang ating istilo? Ano ba ang ating intensyon? Ano ba ang ating pwedeng ma-achieve dito sa interview na ito?'” sabi ni Boy.

Kuwento ng King of Talk ay nagkakaroon sila ng unique discussion ng kaniyang team sa show tungkol sa kung ano ang dapat nilang gawin sa loob lang ng 20 minutes.

“What can you tell in 20 minutes and how do you make whatever you decide on interesting? That's a challenge. Ang tanong lagi namin, 'Saan ba tayo pipili ng magiging interesante ang nanay at ang tatay?” pagbabahagi ng batikang host.

“Ang nakakatawa nito, just like what I always say, I don't know what's gonna happen 'cause in the middle of the interview, you decide to go right, left, right, left, and you have to be on your toes, and you can only do it by listening,” sabi ni Boy.